Do you know Miko?Become his contact | Who is on Multiply?Find your friends | Want to learn more?Take the Tour | Already a Member?Sign In |
A couple of weeks ago, nawalan ako ng wallet sa Quiapo na pambili ko sana ng supplies for my microbusiness. My sympathetic friends comforted me saying:
by: Miko Legaspi Street Scholar and Old Time Victim Tip #1 Magmukang Busabos Tip #2 Wag isunod or isabay ang date sa Quaipo Tip #3 Ipaghiwalay-hiwalay ang mga pera. Tip #4 Wag tatanggap ng kahit anong Libre Tip #5 One Minute Food Rule Doesn't Work Tip #6 Maligo Right After Kayo, may iba pa ba kayong tip when shopping sa Quiapo?
By: Miko Legaspi Reformed Convicted Serial Dater Kung nais mo ang mag-ipon ng mga dahilan kung bakit dapat ka munang magdelay ng dating, I recommend book ni pareng Joshua Harris titled “I Kissed Dating Goodbye”. Medyo Christian-based nga lang ang approach nito pero workable naman. Plan #1: In this very superficial ADHD world, ang mag mukang taong grasa is the best way for those pesky suitors to avoid you. Hindi sapat ang mukhang-bagong-gising na buhok, its already a hairstyle. Kailangan mo rin ng hindi paliligo at pagto-tooth brush. Pag may nag do-donate na sau ng sabon, it means your on the right track. Plan #2: Ito ay mabisang paraan at hindi kasing irreversible tulad ng Plan #1. This plan is what I currently follows. Madalang mag load, once a week lang magcheck ng g4m, downelink at special account sa friendster. Eto ang pinaka productive na plan. Instead of battling your dates upfront, you chase other goals that leave you energy drained to entertain anyone. Having a workaholic / perfectionist boss would help. Kailangan mapuno ang organizer mo down to a fraction of a second. Pwede ka lang kausapin ng mga persistent dater habang umihi ka (taking a $hit needs concentration kaya hindi pwede). Dinner is a big no-no dahil you need to combine it with other focus-intensive activities like your juggling practice or turning water into wine. Following this plan, I increased my net worth 15 percent in one month (negative something na lang ito ngaun, konting buwan pa magiging positive na, hehehe). Plan #4: Pag nakorner ka ng isang dater, being a bore or mean would do the trick. One example is to talk only about yourself. Like this: Miko: About me, about me, about me, about me. Ingat lang din sa reputation points, coz like plan #1, baka mahirapan ka sa comeback mo. Plan #5 So far, yan pa lang ang naiisip kong plans to avoid dating. Share kayo ng plan nyo how to stay (temporarily) single. =) Lalo na ung mga single jan without effort from their part, their advice is very welcome. =)
Hehehe, kaya for one year, I will do just that. Wish me luck! =)
Pasenxa na mga readers, gripping (nagma-maasim) lang ako. Today, I ended a one year long dating. Hindi ko na-describe maiigi un sa last blog ko, but it was a very meaningful and fulfilling experience. It was indeed a roller coaster ride… with tears, blood and laughter along the way. I really thought we could make it. If you search for tenderness Sabi ng bestfriend ko, masyado daw akong idealistic. I shouldn’t expect anyone will be honest with you all the time. Pero alam niyang kaya un. Dahil he is an honest guy. And he knows me to be true, with a dozen of our friends who will not resort in lying unless buhay na ang nakataya. For us, its not an idealism, its normal. But I’ve seen a lot of liars, I hang out with them, some even became good friends. It don’t matter to me much that they lie. Honesty is such a lonely word I can always find someone I considered the storms we faced, survived, overcame. Ang mga petty quarrels, or week long fights. Ang mga walking out, and those silent cries till dawn. I considered the what-ifs. What if I can’t find another one, and can’t start a new beginning? What if I am really just being too idealistic? What if he do deserved a third chance? I can find a lover When I'm deep inside of me Shaw, I have no regrets. At kung babalik ako sa past, sa part when I first decided to date you, I still would. And maniwala ka man o hindi that I care, Shaw, I still do. I just couldn’t give my heart to you anymore.
Kagabi, ipinagdiwang namin ng Shawko ang aming First Dating Anniversary!
Nung panahon ng Roman, nakagawiang lagyan ng “Datus” at dugtungan ng araw at buwan ang isang mensahe, nangangahulugang “Binigay sa Araw na Ito:” or “Given on this Day”. Nang lumaon, ang date ay naging term for “time (and place) stated”. Ito ay nag-evolve pa bilang “appointment” hanggang unang maitala bilang “romantic liaison” noong 1885. Karaniwang ginagamit ng mga artistang “couple” sa ‘pinas ang “we’re just dating” status para sabihin sa publiko hindi pa “sila”. Kahit madalas makitang magkasama, ang dating status na ito ay magpapatuloy hanggang mabuntis ang babae at sila'y magpakasal. ------------- Miko’s Meaning of Date For the purpose of this blog, I will define “Dating” as “meeting and observing someone whom you’re figuring out of having a more lasting relationship with." Ang meeting ay maraming purpose: gain new friends, collaborate on a project, have fun watching movie, etc. Sometimes, it ends up in bed, pero I never assume na “mahal” na ako ng other party, or mahal ko sya. You learn Pero pag date, I’m meeting the person hoping that we would end up as partners. ------------- Miko's Dating History (optional read) D#1 Sally: c.1999 2 wks dating, more than a month IR (In a Relationship), break due my ignorance of love D#2 RV: c.2000 1 wk dating, quit dahil may taning na ang buhay ng date D#3 Lea: c.2000 1 month dating, quit/basted, papasok ako sa stay-in academy at magmamadre ang date D#4 Aileen: c.2001 2 ½ year dating, 1 ½ year IR, engaged ½ year, wedding called off kasi narealize kong ayaw kong magkanak. D#5 JR: c.2006 1 month dating, quit, incompatibility D#6 JP: c.2006 2 wk dating, quit, incompatibility D#7 Bunso: c.2006 1 month dating, basted, nalasing, nakitang nakikipaghalikan sa iba D#8 Wacko: c.2006 1 ½ month dating, basted, nakitang walang short sa loob ng kwarto na may kasamang ibang tao, reconciled, after 2 weeks, basted uli, kasi na inlove sya sa bestfriend ko D#9 Shaw: February 3, 2007 dated shaw, March 15, 2007 stopped dating due to breach of a promise, resumed dating until today…
------------- written Feb.3.8 / posted Mar.3.8
Sa lahat ng parte ng katawan ko, mata ang kinatatakutan kong mawala. Kahit na mawala lahat ng parte, kahit na parang multo na ako na walang nagagawa sa mundo maliban sa tumingin… mag-obserba… manood, siguro kakayanin ko pa rin. Basta patuloy akong makakita. Pero maliban sa panonood, itinuro sa akin ng tatay ko na marami pang silbi ang mata. Pag masyado na akong malikot, sasabihin nya lang na “Makuha ka sa tingin” para mapatino ako. Magaling ang training nya, dahil pag di mo na gets ang I’m-warning-you-eyelook, yari ka. Mula sa early lessons ng tatay ko, nasanay akong mag judge ng tao ayon sa mata nila. Nalaman ko na pag straight ang isang guy, tatagos ang paningin nya sa akin. Pero kung meron syang pusong mamon, makikita sa mata nya ang I’m-assessing-you eyelook. Pag wala ang considering-look na yon, he is either straight or hindi ako type, which are very helpful to know to avoid embarrassing situations, hehehe. Nalaman ko rin na hindi lahat ng tumatawa ay masaya, dahil mahirap itago ng mata ang kalungkutan. Nakikita rin na hindi lahat ng nakangiti ay kaibigan mo, dahil parang makikita sa mata nila kung naiisip nilang me nanakawin ka pagtalikod nila. Makikita rin kung sila ang merong itinatago. Hindi ako particular sa kulay ng mata, kahit itim na itim na parang nakakalunod, o light brown na parang ang gaan tignan. Sa umpisa lang din ako natutuwa sa colored contact lens, pero after a while, I want to see the real eyes. Dahil para sa akin, hindi dapat tinatakpan ang bintana ng kaluluwa. Sa lahat ng mata, ang pinakamasarap tignan ay ang mata ng taong nagmamahal. In most ways its brighter… and calming. At kung sa’yo nakatingin ang may ari ng matang yon, hindi mo alam kung ano ang ikinaiba mo sa lahat ng tao, pero mararamdaman mong espesyal, at safe, ka sa mata nya. “'Cause there's somethin' in the way you look at me you're the missing piece that there's nothing in this world I can't be you look at me” -------------Christian Bautista, The Way You Look at Me
O pa’no ba ‘yan, tapos ko ng gamitin ang mata ko sa pagsusulat, gagamitin ko pa to uli sa papanoorin kong porn. Nyahaha. Till next time na lang uli. =)
Ano bang meron sa Blogging?
Bakit sa kalamigan ng madaling araw tulad ngayon ay inilalatag ko sa word processor ang isang piraso ng aking utak para ibahagi sa sinumang sinawimpalad na babasa ng sinulat ko? Maraming rason, maliban sa pagbebenta ng mamahaling bags, gamot na pampaputi, mga cute na alagaing hayop o panandaliang aliw. At mayroon pang mas makabuluhang blog kesa pagsagot ng sari-saring personal survey. To Feel Sumusulat ng blog para magpa-impress sa mga mambabasa na kaya kong magtipon ng basura at sa kada 100 na reader, may tsansa na may 1 magkokomento ng paghanga. Sa papuri na yon, parang bata akong maadik sa kendi at muling magsusulat ng panibago. Write -> receive comment -> feel good -> write again. Paminsan minsan, tuwing magkukulay bughaw ang buwan at mag-aalign ang mga planeta, may isang taong gugustuhing makilala sa personal ang writer ng isang blog, at sa mas rare na pagkakataon, isang super sexy at uber hot na chick/rooster ang makakadate ko. Dito ako magsisimulang magkakaroon ng sariling buhay at madalang ng makakapagblog. Saka lilipas ang matamis (o mapait) na karanasan, magpapahinga sa totoong mundo, magbabakasyon sa cyberspace upang isaad ang karanasan para sa iba. And that’s another purpose of blogging – To Share. Sa iba ay quotes, sa iba ay jokes, sa iba ay larawan ng kinababaliwan nilang pornstar. May nagbabahagi ng sariling karanasan, mayroong nagkukwento ng karanasan ng iba. Meron din namang mag-aari ng gawa ng iba. Orihinal man o imitasyon, maganda man o negatibo ang layunin, ang resulta pa rin ay ang makapagbahagi. Anong paki ko kung hindi ikaw ang sumulat ng joke, o kaya nagcompose ng essay. So what din kung ni-repost mo ang blog ko at sinabi mong gawa mo (papakulam na lang kita, hehehe). Basta alam ko, nag enjoy akong basahin ang blog, na nakaibsan ng konti ang paghihirap sa mundo. O kaya nakapagturo ng isang bagay na makakatulong sa hinaharap. “Our lives are connected by a thousand invisible threads, and along these sympathetic fibers, our actions run as causes and return to us as results." ------------- Herman Melville To Grow Sa mga pagpapalakas ng loob at papuri (kritisismo), sa pagtanggap at pagbahagi ng karanasan, umuunlad ako bilang manunulat… bilang Miko. Maraming parte sa akin ang nalilinang (kahit puro porno ang ina-upload ng iba jan, hehehe), at ang buhay ko ay nagiging makulay (hindi lang dahil sa sabaw ng gulay. Hala, kakorni. Hahaha). Bilang pagtatapos, ang blog na to ay pasasalamat. Sa mga nagpadala ng mensahe na nami-miss nila ang writings ko (dahil paborito nilang okrayin) at kahit sa mga lurkers na pasilip-silip lang (hoy, magkoment naman kayo, hehehe, even a stumbling speech may strengthen a weak tongue, mga banat. Hahaha). Kayo, bakit kayo nagblo-blog?
This is my first blogpost for this year, and only prompt me due to desperation. There is this one special guy who's been missing now for one week. I, his friends and his family are really worried sick. Below is his pictures and multiply account. If you are one of his friends, we appreciate all efforts to join the search, at least by reposting this.
by Friko
Paris Hilton ng mga Stufftoy Ipinakilala ni Elliot Handler, founder ng Mattel, Inc ang manikang ginawa nya (at ng kanyang asawang si Ruth) sa American Toy Fair nung 1959. Hango ang pangalan ng manika sa kanilang anak na si Barbara. Iba-iba ang naging reaksyon ng mga kritiko, dahil kung totoong tao ang manika, magkakaroon ito ng sukat na 39-21-33. Walang nakahula na pagkatapos ng mahigit 35 taon, ang manika ay mananatiling isa sa pinakamabentang laruan. Taon-taon, iba-iba ang nagiging damit ng laruan (huhuhu, kakainggit). Dahil sa mga damit na to, ang kumpanyang Mattel ay ang pang-apat na gumagawa ng damit na pangbabae. Kabilang sa mga nagdisenyo ng damit ng manika ay sila Valentino, Perri Ellis, Oscar de la Renta at marami pang world-famous designers. Siyamnapung porsiento ng mga babaeng amerikano ang nagkaroon ng, at least, isang manikang ito. Dahil sa pagsikat, ang mag-asawang Elliot at Ruth ay nagpagawa ng lalaking manika na ipinangalan naman nila sa anak nilang lalaki na si Kenneth. Nagkaron din ng maraming “career” ang manika. Naging teacher, astronaut, veterinarian, soldier, singer, flight attendant at model. Lumalabas din ito sa samu’t-saring patalastas, cartoons, books, at 3-D film. Nagkaroon ang manika ng una nyang computer nuong 1985 (wwaahhh, sensei, daig ako). Kung ilalatag sa lupa ang lahat ng manikang ito, palilibutan nya ang buong mundo ng 3 ½ na beses. Ganyan kasikat at kabenta si Barbie.
Presidential Stufftoy Nobyembre ng 1902 ng bumisita si Theodore Roosevelt, 26th president ng America, para ayusin ang gulo sa pagitan ng Mississippi at Louisiana. Habang naroon, nangaso sya ng mga oso (bear-hunting) ngunit minalas na makatagpo lang isang isang batang oso. Isang manunulat sa dyaryo na nagngangalang Clifford Berryman ang nakasaksi at gumawa ng cartoon kung saan ipinapakita ang presidente at ang batang oso. Nakita ni Morris Michtom, may ari ng isang novelty store sa Boston, ang dyaryo at napukaw ang kanyang imahinasyon. Sa tulong ng kanyang asawa, nagtahi sila ng mga manikang oso at mabilis nila itong naibenta. Humingi ng pahintulot si Michtom sa presidente na gamitin nito ang kanyang palayaw sa pagbebenta ng mga stufftoy. At ng pumayag ang pangulo, nagmass produce si Michtom katulong ng isang wholesaling company na Butler Brothers. Hanggang ngayon, marami pa ring versions ng stufftoy ang lumalabas, pero ito ay nanatiling tinawag na Oso ng Pangulong Theodore, o sa maiksing salita – Teddy’s Bear. Manikang Aktibista Isang tauhan sa pangbatang libro ang nilikha ni Johnny Gruelle nuong 1915. Ang tauhan sa libro ay isang manika na nakasuot ng asul at puti, ang buhok ay gawa sa yarn na kulay pula. Bumenta ang libro, kasama ang manika, nuong 1918. Ang libro ay nasundan nuong 1920 kung saan ang manika ay nagkaroon ng kaparehang lalake. Nalikha ni Gruelle ang manika para sa kanyang anak na si Marcella. At mula sa aklatan, kinuha ni Gruelle ang mga tula ni James Whitcomb Riley at pinagsama ang dalawang titulo – “The Raggedy Man” at “Little Orphan Annie”. Sinabi nya sa kanyang anak na “Bakit hindi natin sya pangalan ng Raggedy Ann?” Si Marcella ay namatay sa edad na 13 matapos itong mabakunahan sa paaralan para sa bulutong ng walang pahintulot sa kanyang magulang. Sinisi ng autoridad ang problema sa puso ng bata, pero sinisi ng magulang ang bakuna. Naging kalaban ng pagbabakuna si Gruelle, at kahit hindi kasing sikat ni Barbie o kasing benta ng Teddy’s Bear, ang manikang si Raggedy Anne ay tumayong simbolo ng Anti-Vaccination Movement.
------------- Hihihi. Yan na po muna ang blog q. Busy si sensie miko sa computer nya eh, kaya po di ako makacngit. Hihihi. Hanggang sa muli. Friko. Si friko ay laging babad sa luha ng dati nyang amo. Ibinigay sya nito kay Miko ng mapasaya ni Miko si FR. Napalitan ng pangalan ang stufftoy na leon, subalit dahil sa kakulangan ng legal adoption papers, nangangamba si Miko na baka bawiin ang stuffriend nya, lalo na ngayong nagkakaron si friko ng mga fans at tumataas ang marketability.
Hubad na Katotohanan by Friko Mahilg sumagot ng tanong si sensei miko, at pag d nya alam ang sagot, mahilg xang mag-imbento. Hihihi. Hindi xa nagmamarunong, sinusubukan nya lang makapagbigay ng paunang lunas, hangga’t hindi pa nasa2got ang katanungan ng namomroblema. Baet nya po di ba? Tinanong q xa minsan bakit ko2nti lang ang kanyang damit (7 panggala na t-shirt, 3 polo, 1 gray short, 1 pantalong maong, 4 na sleeveless na pangbahay, at boxers and briefs na). sav nya, ayaw nya raw gastusan ang ganong bagay. Mas mahalaga daw para sa kanya ang bumili ng experience. Makapunta sa mga lugar na di pa nya nararating, at makaranas ng mga ka2ibang karanasan. Tin-ejer pa kasi xa nun ng magsimulang maglayag sa iba’t-ibang parte ng pilipinas, at early 20s ng lumabas xa ng bansa. Kakainggit di ba? Hihihi. Sav ko kay sensie miko, ibili nya rin aq ng damit. Kasi magpapasko na, nara2mdaman ko na ang lamig. Sabi nya, pano daw nangyari un, eh tela lang naman ang balat q, at bulak lang ang loob. Sabi pa nya, bakit daw kailangan pa ng damit, hindi naman daw pangit ang itatago nito. Hihihi. Di ko alam kung papano napagsasabay ni sensie ang pambobola at pagtanggi, pero kadalasan, effective xa. Hihihi. Sav ko naman po, "bakit ikaw sensie, nagdadamit? Pantakip ba yan ng pangit na parte ng katawan mo?" sabi naman nya, inde daw, iniiwasan nya lang daw ang maraming mahuhumaling sa katawan nya. Hihihi. Ang lakas lumusot ni sensie di ba? Kya bottomline, nakahubad na naman ako malamang buong taon. Sana may magregalo sa kin sa pasko. Hihihi. Si friko ay balbon at kulay brown na stufftoy. Meron syang kaduda-duda at masidhing paghanga sa puppet na pagong na lumalabas sa commercial ng Bibo Hotdog. Masikreto si friko sa mga crushes nya, pero hindi xa makalusot sa mapanuring mata ng kanyang amo, lalo na pagnapapangiti sya sa mga patalastas.
Kwentong Stufftoy by Friko Hi blog. Kuya Miko Made the First Move Aq po si friko, ang stuff2y ni kuya miko (pro stuffriend ang twag nya sa kin, kc hndi nya daw me laruan). Baet nya po di ba? Kgav, 4 d 1st time, kinausap aq ni kuya miko. Bale nagla2ba po xa nun, tapos kinuha nya aq sa sulok at pinaliguan. Habang sinasabon nya po ako (naka2liti, hihihi), kinausap nya aq. Ka2tuwa po d ba? Mag-1 po kc c kua miko sa haus nya, tapos sav nya, hndi nman daw mukang baliw si marimar pag kinakausap si polgoso, kya ok nman daw n kausapin nya ko, wla kc xang ibang kausap, hihihi. Mga Pangarap Hbang nagsuswimming ako sa fabrc sofner (ang bango, hihihi) tinanong aq ni kuya miko kung ano pangarap q. Sav nya, nung grade 1 daw xa, gus2 nyang maging balyena, kso nadisapoint daw xa nung malaman nyang wlang awang pinagsa2mantalahan n2 ang mga hipon. Gus2 qng mging writer, sav q ky kua miko. "malaki ang pagka2-iba ng gustong maging writer sa gus2ng magsulat. Maraming authors, pro konti ang nakalikha at nakapagbahagi ng orig na composition nila" -------------Kuya Miko, about writing Kya po sinimulan ko muna magblog, hndi pra mging writer, kundi maibahagi po ang kwentong stufftoy. Ano Ang Isusulat? May msya at malungkot sa buhay ng isang stufftoy. Ang palagian wlang damit, ang hndi regular na paligo, ang mababad sa luha ng may-ari (pro hindi iyakin si kuya miko, hihihi, ung dating amo q ang lging umiiyak). Payo sa kin ni sensei miko na dalasan qng magbahagi ng sulating nakakaaliw. Marami na raw po kasing kaasiman sa tunay na mundo, at marami din daw "rants" sa internet. Mas kaaya-aya daw magpangiti kesa magpasimangot, makpagbigay ng inspirasyon kesa makahawa ng "intolerance, cynicism, at discrimination". Hihihi. Naka2tuwa si sensei miko di ba? P’noy Ako! Tinanong q kay sensei miko kung anong salita ang gagamitin qng pagsulat. Sabi nya, bhala daw aq, pero xa, kadalasan, Filipino. Mahirap daw magsulat ng pinoy (dahil hindi daw xa sanay magtagalog, hihihi, makulit magyabang si sensei miko di ba?), at hindi daw globally competi2v (kya konti ang hits). Pro tulad daw ng hilig nya sa Old Latin, ayaw nya daw ma2tay ang salitang p’noy, kya laging pinipilit nyang maglikha ng sulating tagalog. Made in China ako. Pero pinoy ang nagpalaki sa akin. Taglish magsalita ang dati kong amo, pero si sensei miko, bumabanat paminsan-minsan ng niponggo, servo-croatian, latin, Hebrew, Spanish at mandarin. Hihihi. Pro phrases (kdalasan translation lng ng "hi", "I love you", "how much" at "thank you") lng alam nya, hihihi. Samu’t-sari ang kinukutingting nya di ba? Kya un po. Tagalog po ang gagamitin kong salita. Sana po, basahin nyo paminsan minsan ang blog ko, at retuhan nyo ko ng cute na stuffriend nyo. Hihihi. Gusto q po ung balbon at abuhin. Hihihi. Parang si sensie miko lng di ba? Hanggang sa muli! Paalam! Friko. Si friko ay isang stufftoy na leon. Kabilang sa mga naging trabaho nya sa past life nya ay Duwag na Bodyguard ni Dorety, at Loverboi ni Ragedy Anne. Sa ngaun, gumagawa sya ng blog pagtulog ang kanyang amo at kung wala itong bisita.
-Paunawa: Wag seryosohin ang mga kayabangan, dala lang ng gutom- Darn. It's been so long since i last blog, parang ages ago na. Well, as usual busy kasi ako. Nakipagmeeting kasi me kay Bush, nagmamakaawa xa na wag ko na raw tibagin ung White House para sa ipinapagawa kong highway. Kaya un na nga, pumayag ako, siguro ung Taj Majal na lang ang ipapatibag ko. Anyway, lumipat na nga pala ako ng bahay. U all know naman na umuulan na, eewwness kaya un, nabasa ang bubong ng haus namin. Kaya lumipat me ng bagong haus, kasi di me comfortable matulog sa bahay na basa ang bubong. so un na nga. i transferred to a new place. at pagdating ko, hindi pa ayus ang internet connection. hassle talaga kaya tuloy di me makapagblog. and ung pulutong ng katulongs ko, di pa rin nakaka-move in. inaayos pa kasi ung mga bathtub sa tigi-tigasang room nila. yan tuloy, walang nagluluto, nagpapakain at nagpapaligo sa kin. hayz. --CUT-- sorry sa mga masugid na tagasubaybay, hehehe, ung writing sa taas eh ung communication style na ginagamit ko pag nang-iinis sa chatroom. but its true. i'm renting an appartment now for personal and business purposes. 2 storey and 2 rooms xa. ung isa pang sleeping, ung isa - work/war room. ung living room sa ibaba ang ginawa kong photostudio. hirap pala ng home alone. 2x lang me kumakain Don't get me wrong, i know how to cook and wash my own clothes (hindi me makaka-survive sa academy if not). ang prob lang eh ung entrophy (katamaran). hehehe. Now, i'm living alone, without an internet connection, and quite far sa bayan. hopefully, makakapagconcentrate na me sa mga writings ko (kung hindi me maaddict sa nilalaro kong computer game). and with that, mas maayos ko na ang categories ng mga articles ko dito (for my upcoming ambitious self-published book, wwhooppee!!). Kwentong Miko is about my clumsy life (tulad ng mahulog sa manhole) and peculiarities (kumain ng taho habang ume-ebs). General Nonsense is my blabber about the world. Mga obserbasyon at opinyon (like history ng helmet o paalam Pluto). A new category will be Miko's Manuals kung saan ang different experts ng multiple personality ko ay magbibigay ng guide on how to do things well (tulad ng How to commit suicide). hindi ko na isasama ang Mikology (my personal view on religion). hehehe, mahina kasi ang benta, saturated na kasi ang market at andami ng nag-iingay. so friends and fans (nyahahaha), check my site from time to time. comments will be greatly appreciated. =)
Hindi ko talaga personal na kakilala si Jack, o kaya si Poy, pero marami akong natutunan sa kanila. Dahil sa giyera nung panahon ng hapon, nakarating si Jack en Poi sa ‘pinas. Janken ang original na pangalan nito, at minsan, tinatawag din Janken Pon. Ito ay base sa naunang dalawang Ken games – San Sukumi Ken ng “Janken Pon acchi muite hoi” -------------Janken Original Chant Hindi ko alam kung paano naging Jack en Nalaman ko na sa halip ng mahaba at walang kwentang argumento, maari din namang pagdesisyon ang pagtatalo sa pamamagitan ng Jaken Pon. Gusto nya comedy, gusto ko horror = Jacken Pon. Gusto nya malling, gusto ko camping = Jacken Pon. Gusto nya sya ang top, gusto ko ako ang top = ako ang top, its nonnegotiable. Hehehe. Nalaman ko rin hindi all the time, you need to cut, or break, or cover-up. Pipilitin ka ng Jaken Pon na maging flexible, dahil kung hindi, sigurado ang pagkatalo mo. “If the only tool you have is a hammer, You tend to treat everything as a nail” -------------Abraham Maslow, Miko’s Collected Quotes Nalaman ko na sa larong ito, kailangan mo ng swerte, kaalaman sa personalidad ng kalaban mo, at tiwala sa intuition mo. At higit sa lahat, nalaman ko maging masaya, tumawa, mag-enjoy – manalo man o matalo. At nalaman ko to try again, and again. Pero may mga tao pa ring makikipagtalo ng walang katapusan para sa pipitsuging bagay na gusto nila. May mga umiibig sa iisang uri ng tao, at magtataka kung bakit laging parehas ang kinahihinatnan ng relasyon nila. May mga tao ng matalo ay umiyak, at may mga huminto ng sumubok at may mga tao na hindi na naglaro muli. Itinuturo talaga ng Jaken Pon, na sa laro ng buhay, ang matalo ay unggoy.
Rain always call me outside the house, and bathing in it, I called out my friend. Wet, we went to the store and bought a bottle of Cali Shandy each. I asked my friend to come with me to the beach. The storm made the waves much bigger, something that we only see in other countries. It was brownish red with dirt mix in it, and totally fearsome. My friend was freaking out when I sat on the breakwater. I let the wave clashed to me. Out balanced, I earned a few bruises, and lost one slipper. But I wanna do it again. “Gago ka Miko, baka may lumulutang na bote dyan,” my friend cautioned me. I smiled at him, and heed his advice. I walked in the nearby house where the waves still reach the yard. I stood at the back of the gate, held the railings, and braced myself for another huge clash. I looked at my friend, standing safely nearby, and I grinned, “Try it.” Encouraged, he stood beside me. And with me, we screamed together for another blast. And this time, I kept my eyes open, and look to my friend beside me. Around me was the brownish red water and bubbles abound. My friend’s eyes tightly shut, our whole body shivering, and after that wave, he looked at me, smiled, “Thank you” I said, smiling, “Shut up, here comes another one.” -------------- I went home that day, with my white shirt hued to brownish red, with a few bruises, with one missing slipper, but most of all, with my friend’s grateful smile permanently etched in my memory. |