This song originally by Freddie Aguilar. Isa sa sikat na mang-aawit sa buong mundo (ang kantang "Anak" ay naisalin 26 na lenguahe at nakapagbenta ng 30milyong kopya), maraming makabuluhang kanta ang naisulat ni Ka Freddie tulad nito. Salamat kay Yeng Constantino at ni-revive nya to, i wanted something deep dahil para sa akin masakit sa tenga ang puro cheesy lovesongs at street songs (tulad ng "itaktak mo" o "papaya").
----------- Madilim ang 'yong paligid, hating-gabing walang hanggan Anyo at kulay ng mundo sa 'yo'y pinagkaitan H'wag mabahala, kaibigan, isinilang ka mang ganyan Isang bulag sa kamunduhan, ligtas ka sa kasalanan
CHORUS 'Di nalalayo sa 'yo ang tunay na mundo Marami sa ami'y nabubuhay nang tulad mo 'Di makita, 'di madinig, minsa'y nauutal Patungo sa hinahangad na buhay na banal
Ibigin mo mang umawit, hindi mo makuhang gawin Sigaw ng puso't damdamin wala sa 'yong pumapansin Sampung daliri, kaibigan, d'yan ka nila pakikinggan Pipi ka man nang isinilang, dakila ka sa sinuman
[Repeat CHORUS]
Ano sa 'yo ang musika, sa 'yo ba'y mahalaga Matahimik mong paligid, awitan ay 'di madinig Mapalad ka, o kaibigan, napakaingay ng mundo Sa isang binging katulad mo, walang daing, walang gulo
[Repeat CHORUS]
'Di makita, 'di madinig, minsa'y nauutal Patungo sa hinahangad na buhay na banal
| Bulag Pipi At Bingi | | | | Yeng Constantino | |
| |
|