 | Category: | Movies | | Genre: | Horror |
Istorya
Ito ang isa sa mga pelikula kung saan ang main/central character ay ang kalaban (parang Hanibal series). Ang Death Note ay isang notebook na pag sinulatan mo ng pangalan ng tao, matitigok ang taong yun. Hindi nabebenta sa bangketa ang notebook at nalaglag lang mula sa langit at napasakamay ni Light Yagami. Si Light Yagami ay isang estudyante na naging vigilante. Lahat ng makita nyang criminal sa tv, inuutas nya gamit ang Deathnote.
Naalarma ang buong mundo dahil trigger-happy tong si Light at naging power-tripper lalo na ng dumami ang fans. Nagpakabayani naman ang 3rd greatest detective in the world, codename L (sya rin daw ung 1st and 2nd greatest detective, na nagpapanggap din gamit ang ibang pangalan). Naging resulta tuloy, labanan ng dalawang teen-agers na nag-uumapaw sa katalinuhan at parehas na ayaw magpatalo dahil ang matalo, tigbak.
Kasama ang dalawang shinigami/kamatayan (isang kengkoy na adik sa mansanas at isang babaeng mukang lalakeng nabugbog at nabendahan), ang tatay ni Light na head ng police, isang pop idol na fan ni Light, lupon ng mga detectives, at sari-saring extra na may one-liner scripts… masaya, magulo, nakakagulat, nakakamangha ang “horror” story na to.
Mikomento
Ang Death Note ay hango sa anime/manga series, pero hindi tulad ng mga superheroes na kayang magpasabog ng planeta. At kung ang hanap ng manonood ay cool kid na may kinokontrol na shinigami laban sa ibang evil kid na may shinigami din, madi-disappoint lang sila at mabuting manood na lang ng iba, gaya ng Shaman King.
Kahit nasa category ng horror, kokonti ang dugo at labas na atay sa pelikulang to. Ang mga isinusulat sa death note ay namamatay sa heart attack (I know, boring). Hindi rin to ang regular na Japanese horror kung saan may babaeng banned sa barbershop kaya nag-e-mote na lang sa loob ng balon o batang lalaking nasobrahan sa eyeliner.
Maraming morally stimulating questions ang inilalabas ng pelikula tulad kung tamang patayin ang criminal na laging nakakalusot sa pulis at husgado. Ipinapakita rin dito ang tendency of power to corrupt, na kung kaya mong gawin, bakit hindi?
Maganda naman ang computer graphics. Respectable ang acting ng mga gumanap lalo na’t original ang mga characters. Nakakapagod nga lang panoodin dahil walang dubbing at magtyatyaga ka sa subtitles.
All in all, Death Note is one of my fave movies on this second half of 2007.
  | parang nice. and cute silang dalawa.lol |
 | hehehe, ganda po to, try mo. =) |
 | Thanks for sharing po. I'll check it out, hanap ng dvd sa tabi tabi. lol |
 | sige, we'll see if we have time to watch that... di kasi me sine person... palabas pa ba? or may dvd na sa mga stores? |
 | sa dvd ko lang napanood yan. =) |
 | hehehe, sa quiapo lang me nakabili =) |
 | nice... kaso di me pumupunta ng quiapo... papabili na lang me... salamat. |
 | ganda nga to. may part 2 na nga hindi ko pa rin napapanuod yung 1. peram dvd! hehehe |
 | waaaaaaahh.. gnda deathnote sobra... after kong mapanuod ung 1 and 2 na movie... pinanuod ko tlga ung anime... astig! sobra... mgnda pagkagwa sa movie kaso mas detalyado ung anime... haha... gs2 ko ugali ni L! kahit weird xa, sobrang galing nya.. nirerespeto pa rin xa... |
 | nice! i wonder if they have it here.. hmm |
 | hmm.. i like movies na ganyan lalo na at hango sa manga.. well, hahanap ako niyan. ;) |
 | maganda yung anime nito... I've seen it... Reminds me of Jigoku Shoujo |
 | naikwento na sakin to ng friend ko si kuya jep. binabasa nya kasi yung manga nito., dinadownload nya from somewhere., i hope na mapanood ko rin yung movie soon..., |
 | meron daw yung classmate ko kaya lang di ko pa nahihiram., huhuhuhu.! |
 | galing!!i love dis movie also!!u shuold watch d second part!mas maganda at xciting un part 2!!! |
 | yer ryt!!!ako nman i saw d first one!!!tpos kailangan ko pang magantay ng ilang months to see d second one!!!kaasar!!!pero enjoy!!hehehehe |
 | hahaha, nakita ko kasi sa animax ung release ng 2nd part. na intriga ako kaya binili ko na both. hehe. |
 | yeah it is indeed great...but if you have watched the actual anime you will be more amazed....andaming pinutol na scenes kasi sa movie |
 | yup, ha huntingin ko na nga ung anime na un hehehe |
| |