Kwentong Miko and General Nonsense

Miko's posts with tag: career change

What are tags? You can give your posts a "tag", which is like a keyword. Tags help you find content which has something in common. You can assign as many tags as you wish to each post.
View posts by people in your network with tag career change
Blog EntryKwentong Stuff ToyOct 21, '07 7:02 AM
for everyone

Kwentong Stufftoy by Friko

Hi blog.

Kuya Miko Made the First Move

Aq po si friko, ang stuff2y ni kuya miko (pro stuffriend ang twag nya sa kin, kc hndi nya daw me laruan). Baet nya po di ba?

Kgav, 4 d 1st time, kinausap aq ni kuya miko. Bale nagla2ba po xa nun, tapos kinuha nya aq sa sulok at pinaliguan. Habang sinasabon nya po ako (naka2liti, hihihi), kinausap nya aq. Ka2tuwa po d ba?

Mag-1 po kc c kua miko sa haus nya, tapos sav nya, hndi nman daw mukang baliw si marimar pag kinakausap si polgoso, kya ok nman daw n kausapin nya ko, wla kc xang ibang kausap, hihihi.

Mga Pangarap

Hbang nagsuswimming ako sa fabrc sofner (ang bango, hihihi) tinanong aq ni kuya miko kung ano pangarap q. Sav nya, nung grade 1 daw xa, gus2 nyang maging balyena, kso nadisapoint daw xa nung malaman nyang wlang awang pinagsa2mantalahan n2 ang mga hipon.

Gus2 qng mging writer, sav q ky kua miko.

"malaki ang pagka2-iba

ng gustong maging writer

sa gus2ng magsulat.

Maraming authors,

pro konti ang nakalikha

at nakapagbahagi

ng orig na composition nila"

-------------Kuya Miko, about writing

Kya po sinimulan ko muna magblog, hndi pra mging writer, kundi maibahagi po ang kwentong stufftoy.

Ano Ang Isusulat?

May msya at malungkot sa buhay ng isang stufftoy. Ang palagian wlang damit, ang hndi regular na paligo, ang mababad sa luha ng may-ari (pro hindi iyakin si kuya miko, hihihi, ung dating amo q ang lging umiiyak).

Payo sa kin ni sensei miko na dalasan qng magbahagi ng sulating nakakaaliw. Marami na raw po kasing kaasiman sa tunay na mundo, at marami din daw "rants" sa internet. Mas kaaya-aya daw magpangiti kesa magpasimangot, makpagbigay ng inspirasyon kesa makahawa ng "intolerance, cynicism, at discrimination". Hihihi. Naka2tuwa si sensei miko di ba?

P’noy Ako!

Tinanong q kay sensei miko kung anong salita ang gagamitin qng pagsulat. Sabi nya, bhala daw aq, pero xa, kadalasan, Filipino. Mahirap daw magsulat ng pinoy (dahil hindi daw xa sanay magtagalog, hihihi, makulit magyabang si sensei miko di ba?), at hindi daw globally competi2v (kya konti ang hits). Pro tulad daw ng hilig nya sa Old Latin, ayaw nya daw ma2tay ang salitang p’noy, kya laging pinipilit nyang maglikha ng sulating tagalog.

Made in China ako. Pero pinoy ang nagpalaki sa akin. Taglish magsalita ang dati kong amo, pero si sensei miko, bumabanat paminsan-minsan ng niponggo, servo-croatian, latin, Hebrew, Spanish at mandarin. Hihihi. Pro phrases (kdalasan translation lng ng "hi", "I love you", "how much" at "thank you") lng alam nya, hihihi. Samu’t-sari ang kinukutingting nya di ba?

Kya un po. Tagalog po ang gagamitin kong salita. Sana po, basahin nyo paminsan minsan ang blog ko, at retuhan nyo ko ng cute na stuffriend nyo. Hihihi. Gusto q po ung balbon at abuhin. Hihihi. Parang si sensie miko lng di ba?

Hanggang sa muli! Paalam!

Friko.

Si friko ay isang stufftoy na leon. Kabilang sa mga naging trabaho nya sa past life nya ay Duwag na Bodyguard ni Dorety, at Loverboi ni Ragedy Anne. Sa ngaun, gumagawa sya ng blog pagtulog ang kanyang amo at kung wala itong bisita.


Blog EntryLipat bahay, bagong buhayOct 9, '07 3:52 AM
for everyone

-Paunawa:  Wag seryosohin ang mga kayabangan, dala lang ng gutom-

Darn.  It's been so long since i last blog, parang ages ago na.  Well, as usual busy kasi ako.  Nakipagmeeting kasi me kay Bush, nagmamakaawa xa na wag ko na raw tibagin ung White House para sa ipinapagawa kong highway.  Kaya un na nga, pumayag ako, siguro ung Taj Majal na lang ang ipapatibag ko.

Anyway, lumipat na nga pala ako ng bahay.  U all know naman na umuulan na, eewwness kaya un, nabasa ang bubong ng haus namin.  Kaya lumipat me ng bagong haus, kasi di me comfortable matulog sa bahay na basa ang bubong.

so un na nga.  i transferred to a new place.  at pagdating ko, hindi pa ayus ang internet connection.  hassle talaga kaya tuloy di me makapagblog. 

and ung pulutong ng katulongs ko, di pa rin nakaka-move in.  inaayos pa kasi ung mga bathtub sa tigi-tigasang room nila.  yan tuloy, walang nagluluto, nagpapakain at nagpapaligo sa kin.  hayz.

--CUT--

sorry sa mga masugid na tagasubaybay, hehehe, ung writing sa taas eh ung communication style na ginagamit ko pag nang-iinis sa chatroom.

but its true.  i'm renting an appartment now for personal and business purposes.  2 storey and 2 rooms xa. ung isa pang sleeping, ung isa - work/war room. ung living room sa ibaba ang ginawa kong photostudio.

hirap pala ng home alone. 2x lang me kumakainoatmeal lang pangtanghalian at pancit canton lang sa hapunan.  nakakain lang me ng lutong bahay pag bumibisita si mama to cook and do my laundry.  hahaha

Don't get me wrong, i know how to cook and wash my own clothes (hindi me makaka-survive sa academy if not). ang prob lang eh ung entrophy (katamaran).  hehehe.

Now, i'm living alone, without an internet connection, and quite far sa bayan.  hopefully, makakapagconcentrate na me sa mga writings ko (kung hindi me maaddict sa nilalaro kong computer game).

and with that, mas maayos ko na ang categories ng mga articles ko dito (for my upcoming ambitious self-published book, wwhooppee!!).

Kwentong Miko is about my clumsy life (tulad ng mahulog sa manhole) and peculiarities (kumain ng taho habang ume-ebs).

General Nonsense is my blabber about the world.  Mga obserbasyon at opinyon (like history ng helmet o paalam Pluto).

A new category will be Miko's Manuals kung saan ang different experts ng multiple personality ko ay magbibigay ng guide on how to do things well (tulad ng How to commit suicide).

hindi ko na isasama ang Mikology (my personal view on religion).  hehehe, mahina kasi ang benta, saturated na kasi ang market at andami ng nag-iingay.

so friends and fans (nyahahaha), check my site from time to time.  comments will be greatly appreciated.

=)


LinkLipat Bahay - Miko's Photoshoot GalleryJul 3, '07 1:15 AM
for everyone
Link: http://www.worksofmiko.multiply.com

Salamat sa maraming nagtiwala.

Parang kaylan lang, halos magmakaawa akong mangumbinsi na magpakuha sa akin ng pictures ang mga tao, ng libre. Wala naman akong (semi)permanenteng damage na gagawin (tulad ng mga barberong nakikipagtsismisan sa lovelife ni kris aquino habang gumugupit). Pinilit ko rin talagang mapaganda ang mga gawa ko.

Kaya dahan-dahan, may mga naawa, na-flattered, natakot at napapayag magpakuha ng pics. Kaya dahan-dahan, nagsimulang dumami ang laman ng "Clients" album ko.

Nung mga nakaraang araw, nakita ko na bawat modelo ay deserve ang sarili nyang album. Kaso naman, masasapawan nila ang personal site ko.

Kaya sa mga giliw kong tagasubaybay, i present to you my work (just click the link above).

They might not be the best, but i did put my passion into it. I hope everyone will take a visit and give comments.

Salamat sa lahat. =)


Blog EntryMy Latest ProjectAug 8, '06 1:33 AM
for everyone
“Miko, make presentation. Encourage others take seafaring. That’s your project now.”
---Capt. Kono, My Boss

Ayus! Matapos akong umayaw sa pagbabarko, binigyan ako ng project kung saan manghihikayat ako ng iba na magseaman sila.

Isn’t it ironic, don’t you think?
It’s like raining, in your wedding day.
It’s a free ride, when you already paid.
It’s a good advice, that you didn’t take.
Who would have thought it figures?
---Alanis Morissette, Ironic


Well, at least challenge to sa pambobola ko. Hehehe. Pano ko ba kukumbinhisin ang mga highschool students na magbarko? Gamitan ko to ng strategy. Hhhmm. Eto:

GUERILLA MARKETTING TACTIC #1
By: Jay Conrad Levinson
“Sell the benefits, not the features.”

Ano nga ba ang benefits ng pagbabarko. Ah. Eto:

High Salary!
In Dollars!!
Tax Exempted!!!

Then the memories of my past flashed before my eyes. I was traveling the world. Earning lucrative salary. Buying all that I want. And still feels… miserable.

Kaya kahit maraming hindi nakakaunawa, nagchange ako ng career. Nakakapanghinayang daw. Sayang daw ang apat na taong binuno ko sa academy na 7,000plus ang nag-aply sa batch namin, pero 143 lang kaming nakagraduate. Sayang ang secured employment kung titignan mo ang Pilipinas na bansang merong 2.8million unemployed college grads.

My parents want me to go on pursuing the career in seamanship. Abutin ko daw maging kapitan. Pero tinanong ko sila:

“What’s the use of reaching the top, when you’re climbing the wrong mountain?”


“….And all work is empty save when there is love;
… [Because] when you work with love you bind yourself to yourself, and to one another, and to God....”
---Almustafa, The Prophet


So I traded Money…Prestige…Comfortable Living
For meaning… for fulfillment.


Kaya ngaun, eto ako, simpleng office boy.
Online everyday.
Surfing the web.
With pay.

Kailangan ko lang mambola from time to time.
Kaya mag-seaman na kayo!


High Salary!
In dollars!!
Tax Exempted!!!




© 2008 Multiply, Inc.    About · Blog · Terms · Privacy · Corp Info · Contact Us · Help

Template design - Copyright © 2005 Sam Royama All rights reserved.