Miko's posts with tag: current events

|  | Sa May 24-25 na! Rain or Shine to guys. Eto ang mga photos sa resort na pupuntahan natin. Sa mga contact ko d2 sa multiply na trip mag-adventure before magstart ang classes, PM nyo ko. First Day (May 24) As per agree upon, 2pm meeting sa Doreteo Jose. Then ride ng Bus papuntang Mariveles, Bataan. Savihin nyo sa kunduktor, La Vista Resort
Pagdating nyo at maliwanag pa (at hindi umuulan) Pictorial muna. Then Swimming Galore. We can have dinner sa City (8 pesos away) Then we can return May special Number si Warren, saka si Brent Then we can play party games sa field.
Pag konti lang tau at di natin afford ang rooms we will walk back to my apartment 2 rooms naman un kaya kasya tau kahit 15 attendees. Inuman at party games pa rin.
Next day (25) Pag kaya nyong bumangon, pwede taung maghike papuntang Mt. Samat Para makapunta kayo sa cross (meron dong elevator sa loob) at siempre, Pictorial uli.
So pano ba yan, Kitakits. Specially Brent, Jecky, Juls, Peter, Warren, Justine, Patrick, Bong, Vincent, Neil at Lorenz.
Lets have a Blast! |

Nung isang lingo pa pala, pero kagabi ko lang nalaman, na-demote pala ang Pluto sa pagiging planeta.
Ayon daw sa bagong regulasyon, may tatlong requirements for one body to qualify as a planet:
1. kailangan na umiikot ito sa araw 2. kailangan sapat ang kanyang gravity para hatakin ang sarili at magmukang bilog. 3. at kailangan, solo nya ang orbit nya.
Dahil siguro natural na pasaway, (Pluto is the Roman God of the Underworld), na-reclassify itong si Pluto ng pasukin nya ng espasyo ng Neptune, isang paglabag sa requirement #3. Sa twenty years out of 248 na rebolusyon, sinasapawan ng Pluto ang katabing Neptune at nagiging mas malapit sya sa Araw. Ito ang nagging dahilan kaya napagkasunduan ng International Astronomical Union (IAU) na tanggalin sya sa pagiging planeta.
Marami namang nagrereklamo sa pagkaka-kick out kay Pluto sa celestial brotherhood. Ilang textbooks daw ang ire-revise, ilang planetarium/space museum ang irerenovate, at ilang tour guides ang magbabago ng script, dahil ayon sa Pag-Asa, madadagdagan ng 15 minutes ang 30 minutes na tour para ikumpara ang classic at modern arrangement.
Bukod dito, mawawalan din ng isang member ang Sailor Soldiers, hindi ko lang alam kung gaano karami ang fans ni Sailor Pluto at ewan ko lang kung irerevise pa ni Naoko Tekeuchi ang series nya. Anyway, hindi na naman ako nanonood ng sailormoon simula ng pumasok ako sa academy, lolz (go Naruto!) Speaking of cartoons, hindi daw apektado ang franchise sa aso ni Mickey Mouse ayon sa Disney.
Pati ang mga Scorpio, kailangan na naman yata nilang magpalit ng ruling planet (dati share sila ng Aries sa planet Mars pero ipinaubaya na nila ito around 1950 matapos madiscover ang Pluto around 1930).
Para sa mga nalulungkot sa eviction ng Pluto, rest assured na magiging masaya sya sa bago niyang barkada. Bilang dwarf planet, kasama na niya ngaun sina Ceres, Xena at marami pang darating at papangalanang dwarf planet.
Paalam Pluto, sa munting pagsasama natin, sa pangarap ko na marating ka nung grade 3 ako, sa milyon milyon mong fans, at sa mga batang hindi na magkakabisa ng 9 na planeta... kaming lahat, mamimiss ka namin!

| |