Miko's posts with tag: facts and figures
By: Miko Legaspi Reformed Convicted Serial Dater Kung nais mo ang mag-ipon ng mga dahilan kung bakit dapat ka munang magdelay ng dating, I recommend book ni pareng Joshua Harris titled “I Kissed Dating Goodbye”. Medyo Christian-based nga lang ang approach nito pero workable naman. This piece isn’t about “why” not date, its about HOW. Kung hindi ka komportableng humiram ng powers mula sa itaas para makaiwas sa mga tukso, read on for a fool-proof procedures para ang mga tukso na ang umiwas sau. These are simple undating plans that you could follow, ignore them at your own peril. Plan #1: Mag-mukang Busabos. In this very superficial ADHD world, ang mag mukang taong grasa is the best way for those pesky suitors to avoid you. Hindi sapat ang mukhang-bagong-gising na buhok, its already a hairstyle. Kailangan mo rin ng hindi paliligo at pagto-tooth brush. Pag may nag do-donate na sau ng sabon, it means your on the right track. Ang problema mo dito is when you decide to reenter the dating scene. Kung nagkaron ka ng seryosong kaso ng halitosis qualifying you for Guiness Book record, mahirap ng bawiin yon. Plan #2: Maging Ermitanyo
Wag mag-unli. Wag magchat. Wag magcheck ng social/dating sites. Iparating sa mga umaaligid na dater na ang pinakamabilis na paraan para makontak ka ay sa local na umalohokan (town-crier) o kaya ay homing-pigeon. Physically moving to another location is a nice start, like somewhere in Tibet. Ito ay mabisang paraan at hindi kasing irreversible tulad ng Plan #1. This plan is what I currently follows. Madalang mag load, once a week lang magcheck ng g4m, downelink at special account sa friendster.
Plan #3: Optimize Time-Management Eto ang pinaka productive na plan. Instead of battling your dates upfront, you chase other goals that leave you energy drained to entertain anyone. Having a workaholic / perfectionist boss would help. Kailangan mapuno ang organizer mo down to a fraction of a second. Pwede ka lang kausapin ng mga persistent dater habang umihi ka (taking a $hit needs concentration kaya hindi pwede). Dinner is a big no-no dahil you need to combine it with other focus-intensive activities like your juggling practice or turning water into wine. Following this plan, I increased my net worth 15 percent in one month (negative something na lang ito ngaun, konting buwan pa magiging positive na, hehehe). Plan #4: Have a Lousy Personality Pag nakorner ka ng isang dater, being a bore or mean would do the trick. One example is to talk only about yourself. Like this: Miko: About me, about me, about me, about me. Dater: Err… Miko: Ok, now its your turn =) Dater: (Whew!) Uhm… Miko: Tell me what do you think about me? =) Ingat lang din sa reputation points, coz like plan #1, baka mahirapan ka sa comeback mo. Plan #5 Be a MasterBater Recent studies show masturbating 5 times a week reduce the risk of prostate cancer, relieves depression and lead to a higher sense of self-worth. Imagine mo kung gagawin mo itong 5 times a day. Malamang sa loob lang ng isang lingo, hindi ka na tatablan ng bala o kaya matututo ka na ring lumipad! Pero ang main goal natin jan e maubos ang bala mo. Para sa mga makikipag date sau na ang habol lang ay shag, maipaparamdam mo sa kanila na wala ka ng “ibubuga”. So far, yan pa lang ang naiisip kong plans to avoid dating. Share kayo ng plan nyo how to stay (temporarily) single. =) Lalo na ung mga single jan without effort from their part, their advice is very welcome. =)
Kagabi, ipinagdiwang namin ng Shawko ang aming First Dating Anniversary! WHAATT!! Sa panahon ngaun, sa planeta natin, san ka makakarinig(basa) tungkol sa dalawang taong umabot ng isang taon na pagde-date? Well, if interested ka sa version ng reality ko, read on. ------------- Ano ba ang Meaning ng Date? Trivia muna Ang unang recording ng salitang date ay nung 1330 bilang old French word, na galing sa salitang latin na Datus, meaning “given” na kaparehas ng (1)Old Sanskrit na dadati, Old Church Slavonic dati “gives”; (2) Old Persian dadatuv “let him give; (3) Old Greek didomi/didonai “to give, offer”; Pinoy dododo/dadada uh-huh-ha ni Willie Revillame ay walang kinalalaman dito, pero seryoso, malamang ang tagalog na salitang dati meaning “noon” ay may kaugnayan. Nung panahon ng Roman, nakagawiang lagyan ng “Datus” at dugtungan ng araw at buwan ang isang mensahe, nangangahulugang “Binigay sa Araw na Ito:” or “Given on this Day”. Nang lumaon, ang date ay naging term for “time (and place) stated”. Ito ay nag-evolve pa bilang “appointment” hanggang unang maitala bilang “romantic liaison” noong 1885. Karaniwang ginagamit ng mga artistang “couple” sa ‘pinas ang “we’re just dating” status para sabihin sa publiko hindi pa “sila”. Kahit madalas makitang magkasama, ang dating status na ito ay magpapatuloy hanggang mabuntis ang babae at sila'y magpakasal. ------------- Miko’s Meaning of Date For the purpose of this blog, I will define “Dating” as “meeting and observing someone whom you’re figuring out of having a more lasting relationship with." Ang meeting ay maraming purpose: gain new friends, collaborate on a project, have fun watching movie, etc. Sometimes, it ends up in bed, pero I never assume na “mahal” na ako ng other party, or mahal ko sya. You learn That kisses aren’t contracts, And gifts aren’t promises -------------Veronica Shawl, After A While Pero pag date, I’m meeting the person hoping that we would end up as partners. -------------
Miko's Dating History (optional read) D#1 Sally: c.1999 2 wks dating, more than a month IR (In a Relationship), break due my ignorance of love D#2 RV: c.2000 1 wk dating, quit dahil may taning na ang buhay ng date D#3 Lea: c.2000 1 month dating, quit/basted, papasok ako sa stay-in academy at magmamadre ang date D#4 Aileen: c.2001 2 ½ year dating, 1 ½ year IR, engaged ½ year, wedding called off kasi narealize kong ayaw kong magkanak. D#5 JR: c.2006 1 month dating, quit, incompatibility D#6 JP: c.2006 2 wk dating, quit, incompatibility D#7 Bunso: c.2006 1 month dating, basted, nalasing, nakitang nakikipaghalikan sa iba D#8 Wacko: c.2006 1 ½ month dating, basted, nakitang walang short sa loob ng kwarto na may kasamang ibang tao, reconciled, after 2 weeks, basted uli, kasi na inlove sya sa bestfriend ko D#9 Shaw: February 3, 2007 dated shaw, March 15, 2007 stopped dating due to breach of a promise, resumed dating until today… Who knows when or how it will end. But right now with our current set-up, we’re both happy… and content. ------------- written Feb.3.8 / posted Mar.3.8
This song originally by Freddie Aguilar. Isa sa sikat na mang-aawit sa buong mundo (ang kantang "Anak" ay naisalin 26 na lenguahe at nakapagbenta ng 30milyong kopya), maraming makabuluhang kanta ang naisulat ni Ka Freddie tulad nito. Salamat kay Yeng Constantino at ni-revive nya to, i wanted something deep dahil para sa akin masakit sa tenga ang puro cheesy lovesongs at street songs (tulad ng "itaktak mo" o "papaya").
----------- Madilim ang 'yong paligid, hating-gabing walang hanggan Anyo at kulay ng mundo sa 'yo'y pinagkaitan H'wag mabahala, kaibigan, isinilang ka mang ganyan Isang bulag sa kamunduhan, ligtas ka sa kasalanan
CHORUS 'Di nalalayo sa 'yo ang tunay na mundo Marami sa ami'y nabubuhay nang tulad mo 'Di makita, 'di madinig, minsa'y nauutal Patungo sa hinahangad na buhay na banal
Ibigin mo mang umawit, hindi mo makuhang gawin Sigaw ng puso't damdamin wala sa 'yong pumapansin Sampung daliri, kaibigan, d'yan ka nila pakikinggan Pipi ka man nang isinilang, dakila ka sa sinuman
[Repeat CHORUS]
Ano sa 'yo ang musika, sa 'yo ba'y mahalaga Matahimik mong paligid, awitan ay 'di madinig Mapalad ka, o kaibigan, napakaingay ng mundo Sa isang binging katulad mo, walang daing, walang gulo
[Repeat CHORUS]
'Di makita, 'di madinig, minsa'y nauutal Patungo sa hinahangad na buhay na banal
| Bulag Pipi At Bingi | | | | Yeng Constantino | |
by Friko Paris Hilton ng mga Stufftoy Ipinakilala ni Elliot Handler, founder ng Mattel, Inc ang manikang ginawa nya (at ng kanyang asawang si Ruth) sa American Toy Fair nung 1959. Hango ang pangalan ng manika sa kanilang anak na si Barbara. Iba-iba ang naging reaksyon ng mga kritiko, dahil kung totoong tao ang manika, magkakaroon ito ng sukat na 39-21-33. Walang nakahula na pagkatapos ng mahigit 35 taon, ang manika ay mananatiling isa sa pinakamabentang laruan. Taon-taon, iba-iba ang nagiging damit ng laruan (huhuhu, kakainggit). Dahil sa mga damit na to, ang kumpanyang Mattel ay ang pang-apat na gumagawa ng damit na pangbabae. Kabilang sa mga nagdisenyo ng damit ng manika ay sila Valentino, Perri Ellis, Oscar de la Renta at marami pang world-famous designers. Siyamnapung porsiento ng mga babaeng amerikano ang nagkaroon ng, at least, isang manikang ito. Dahil sa pagsikat, ang mag-asawang Elliot at Ruth ay nagpagawa ng lalaking manika na ipinangalan naman nila sa anak nilang lalaki na si Kenneth. Nagkaron din ng maraming “career” ang manika. Naging teacher, astronaut, veterinarian, soldier, singer, flight attendant at model. Lumalabas din ito sa samu’t-saring patalastas, cartoons, books, at 3-D film. Nagkaroon ang manika ng una nyang computer nuong 1985 (wwaahhh, sensei, daig ako). Kung ilalatag sa lupa ang lahat ng manikang ito, palilibutan nya ang buong mundo ng 3 ½ na beses. Ganyan kasikat at kabenta si Barbie. Presidential Stufftoy Nobyembre ng 1902 ng bumisita si Theodore Roosevelt, 26th president ng America, para ayusin ang gulo sa pagitan ng Mississippi at Louisiana. Habang naroon, nangaso sya ng mga oso (bear-hunting) ngunit minalas na makatagpo lang isang isang batang oso. Isang manunulat sa dyaryo na nagngangalang Clifford Berryman ang nakasaksi at gumawa ng cartoon kung saan ipinapakita ang presidente at ang batang oso. Nakita ni Morris Michtom, may ari ng isang novelty store sa Boston, ang dyaryo at napukaw ang kanyang imahinasyon. Sa tulong ng kanyang asawa, nagtahi sila ng mga manikang oso at mabilis nila itong naibenta. Humingi ng pahintulot si Michtom sa presidente na gamitin nito ang kanyang palayaw sa pagbebenta ng mga stufftoy. At ng pumayag ang pangulo, nagmass produce si Michtom katulong ng isang wholesaling company na Butler Brothers. Hanggang ngayon, marami pa ring versions ng stufftoy ang lumalabas, pero ito ay nanatiling tinawag na Oso ng Pangulong Theodore, o sa maiksing salita – Teddy’s Bear. Manikang Aktibista Isang tauhan sa pangbatang libro ang nilikha ni Johnny Gruelle nuong 1915. Ang tauhan sa libro ay isang manika na nakasuot ng asul at puti, ang buhok ay gawa sa yarn na kulay pula. Bumenta ang libro, kasama ang manika, nuong 1918. Ang libro ay nasundan nuong 1920 kung saan ang manika ay nagkaroon ng kaparehang lalake. Nalikha ni Gruelle ang manika para sa kanyang anak na si Marcella. At mula sa aklatan, kinuha ni Gruelle ang mga tula ni James Whitcomb Riley at pinagsama ang dalawang titulo – “The Raggedy Man” at “Little Orphan Annie”. Sinabi nya sa kanyang anak na “Bakit hindi natin sya pangalan ng Raggedy Ann?” Si Marcella ay namatay sa edad na 13 matapos itong mabakunahan sa paaralan para sa bulutong ng walang pahintulot sa kanyang magulang. Sinisi ng autoridad ang problema sa puso ng bata, pero sinisi ng magulang ang bakuna. Naging kalaban ng pagbabakuna si Gruelle, at kahit hindi kasing sikat ni Barbie o kasing benta ng Teddy’s Bear, ang manikang si Raggedy Anne ay tumayong simbolo ng Anti-Vaccination Movement. ------------- Hihihi. Yan na po muna ang blog q. Busy si sensie miko sa computer nya eh, kaya po di ako makacngit. Hihihi. Hanggang sa muli. Friko. Si friko ay laging babad sa luha ng dati nyang amo. Ibinigay sya nito kay Miko ng mapasaya ni Miko si FR. Napalitan ng pangalan ang stufftoy na leon, subalit dahil sa kakulangan ng legal adoption papers, nangangamba si Miko na baka bawiin ang stuffriend nya, lalo na ngayong nagkakaron si friko ng mga fans at tumataas ang marketability.
Hindi ko talaga personal na kakilala si Jack, o kaya si Poy, pero marami akong natutunan sa kanila. Dahil sa giyera nung panahon ng hapon, nakarating si Jack en Poi sa ‘pinas. Janken ang original na pangalan nito, at minsan, tinatawag din Janken Pon. Ito ay base sa naunang dalawang Ken games – San Sukumi Ken ng Japan at Suu Ken (shoushiling) ng China. Naimbento ito bandang 19th century. “Janken Pon acchi muite hoi” -------------Janken Original Chant Hindi ko alam kung paano naging Jack en Poy ang Jaken Pon, at kung bakit ang talo ay unggoy, pero maraming bagay akong nalaman. Nalaman ko na sa halip ng mahaba at walang kwentang argumento, maari din namang pagdesisyon ang pagtatalo sa pamamagitan ng Jaken Pon. Gusto nya comedy, gusto ko horror = Jacken Pon. Gusto nya malling, gusto ko camping = Jacken Pon. Gusto nya sya ang top, gusto ko ako ang top = ako ang top, its nonnegotiable. Hehehe. Nalaman ko rin hindi all the time, you need to cut, or break, or cover-up. Pipilitin ka ng Jaken Pon na maging flexible, dahil kung hindi, sigurado ang pagkatalo mo. “If the only tool you have is a hammer, You tend to treat everything as a nail” -------------Abraham Maslow, Miko’s Collected Quotes Nalaman ko na sa larong ito, kailangan mo ng swerte, kaalaman sa personalidad ng kalaban mo, at tiwala sa intuition mo. At higit sa lahat, nalaman ko maging masaya, tumawa, mag-enjoy – manalo man o matalo. At nalaman ko to try again, and again. Pero may mga tao pa ring makikipagtalo ng walang katapusan para sa pipitsuging bagay na gusto nila. May mga umiibig sa iisang uri ng tao, at magtataka kung bakit laging parehas ang kinahihinatnan ng relasyon nila. May mga tao ng matalo ay umiyak, at may mga huminto ng sumubok at may mga tao na hindi na naglaro muli. Itinuturo talaga ng Jaken Pon, na sa laro ng buhay, ang matalo ay unggoy. Sana maglaro tayong lahat. =)
Bilang isang mikologist, madalas kong paglaruan ang idea ng kamatayan, lalo na habang wala akong ginagawa dito sa office kundi mag-surf, mag-chat, mag-tablehop etc. Even planning my wake/funeral is a favorite hobby (Click this blog==> " Patay Tayo Dyan").
Pero kahapon ko lang napag-isip isip, ano ang dapat na maging famous last words ko. Ang pangit naman kasi kung ang bibitawan kong huling salita, walang kwenta. Anong iiwan ko thought-provoking words of wisdom sa mga kamag-anak, kaibigan, kaaway, fans, at sa susunod na salin-lahi?
Pagnaghihingalo na ko, kailangan maintain ang pride at composure. Dapat prepared at memorized ko na ang famous last word ko, di tulad nito:
"Don't end it like this. Tell them I said something." -------------Francisco "Pancho" Villa, Mexican Revolutionist.
Yun ang mga taong hindi prepared kaya nagka-cramming. Meron namang tipid ang last words, talagang isang word lang ang iniwan nya (pero sobra namang inspiring)
"FFFRRREEEDDDOOOMMM!!!" -------------William "Braveheart" Wallace, Scotish Revolutionist
Bukod sa maganda at thought provoking epitaph, dapat original din. I'm a proud Filipino, pero aminado naman akong marami sa 'tin ang nanggagaya lang (siguro sobrang idol nya ang nagsabi ng famous last word na yon) tulad nito:
"Consummatum est (It is finished)" -------------José Rizal, Filipino Nationalist
Ayoko din naman na sobrang pormal:
"I believe we should adjourn this meeting to another place." ------Adam Smith, Political Economist
Para makabuo ng magandang last words, nagbrainstorm ako, depende sa characteristics ko, kung nadamay ako sa katangahan ng iba, o sa isang kakaibang sitwasyon:
"Wwaahh, sabi ng bawal silang gisingin pag nagha-hibernate" -------------Miko in the wildlife together with a stupid friend "Sigurado ba kayong red wire ang puputulin" -------------Miko following the advice of an imcompetent bomb squad "Sige, payag akong kalabanin ka ng hand to hand combat, Mr. Bond" -------------Miko on how he defeated a spy with the cost of his own life "Lahat ba talaga ng miembro ng clan nyo pangit?" -------------Miko na nalasing sa isang grand eyeball "Wow, talaga bang lahat ng terrorist ay may relo sa sinturon" -------------Miko lulan ng isang bus na puno ng goverment officials "Sorry, akala ko nasa business trip ka" -------------Miko na nahuli =P
Hayz, nakakapagod din pala. Mas maganda siguro isawasan ko na lang na magsabi ng mga nonsense na bagay, para any moment, i can be proud of my last words. Its something that my friend Death always reminds us.
"Last words are for fools who haven't said enough". -------Karl Marx, Political Economist
Kayo? Ano sa palagay nyo ang magiging famous last words nyo?
Marami akong kachat. Kakwentuhan. Kabolahan. Sa YM ko, naka categories lahat ng contacts, according to priority:
Family: 5 (Mga relatives) X-F: 6 (Extended Family/Bondbrothers, kapatid sa tindi ng pinagsamahan) Friends: 8 (Mga 2nd/3rd degree friends) Batchmates 10 (Self-explanatory) Dragonsworn 15 (Mga fans ng book na Wheel of Time) Sideline 57 (Mga kachat. Kakwentuhan. Kabolahan). -------------Miko, YM Contact List
I have a few friends (6 X-F + 8 Friends = 14 total). But that’s enough. I price quality over quantity. Pnipili ko talaga kung sino ang ilalagay ko sa categories nay un, dahil in a way, I would serve them.
Among the “sideline” there is a guy I regularly chat with… And got the chance to know him deeper than the others.
At first, hindi ko sineseryoso ang mga compliments nya, sinabi ko pa nga sa unang chat namin na “U r patronizing me”.
Pero sa madalas na pag-uusap, nakabuo ako sa isip ko kung sino sya. Na pagnaliligo, parehas kami ng parte na unang sinasabon (hahaha). Parehas kaming nalulungkot na ngayon, “the eyes are tinted and misted, no longer the windows of the soul. When I got the chance to cross the distance between us, nakilala ko talaga sya. Sweet and accommodating. At sa maikling oras… we shared something special.
“Before You are a fox Like a hundred thousand Other foxes. But I have made you my friend, And now you are Unique in all the world.” -------------Antoine de Saint-Exupery, ed. The Little Prince
Akala ko hanggang simula lang. Akala ko it will be as superficial as the rest.
Thank you loverboi, sa understanding (kahit magulo ako mag-isip), sa acceptance (kahit ang gagu-gagu ko), sa mga advice (kahit matigas ulo ko). Even with the distance, you proved to be a friend, though not physically, but importantly, in spirit.
Super belated happy birthday!!!
Isang kaibigan ang nagdudusa ngaun sa bigat ng kanyang problema. Dahil daw nagmomotor sya sa byahe papunta sa trabaho at pabalik sa bahay, nakakangalay daw sa leeg ang helmet. And since hindi lahat ay may kapasidad maunawaan ang kadahilan ng ulo ng kanyang pagdurusa, nagtanong sya kung para saan ba tong helmet.
Ito ang sagot ko, ayon sa masusing pananaliksik:
History of Helmet
Ang mga Assyrians at Persians nong unang panahon ang gumamit ng helmet. gawa sa balat ng hayop at konting bakal ang komposisyon nito. nong panahon kasi na yon, uso pa ang pag-ulan ng pana mula sa karatig na bayan, at hindi sapat ang payong para sa kanila. At dahil sa fashion sense, nabawasan ng nabawasan ang leather at napalitan ng metal.
Maraming pinauso ang Romans na design ng helmet, merong panglegionaire, me panggladiator. Mayrong gawa sa tanso, sa pilak at kahit ginto. Kung may basehan ang RPGs tulad ng final fantasy sa helmet na gawa sa diyamante, perlas at kung ano pa, walang nakakasigurado.
then, nung sumikat ang japanese action series (bioman, maskman, fiveman etc.) nagkaron ng major improvements. mas nagmukang astig ang helmet, mas naging trendy. sa sobrang ganda ng helmet, ang mga japanese superheroes ay nagsusuot nito habang lumalaban, nagpopose for a group picture, at kahit nakasakay sa enclosed-hard-armored ultra-weapon-powered car, jet, submarine o kahit nasa loob ng sasakyang humuhukay sa lupa.
then naisip ng mga talent managers at show producers na magastos ang mga 5 men team superheroes. dahil kadalasan, bibigyan mo ang bawat isa ng kanya-kanyang sasakyan (na dapat pang magbuo ng isang malaking robot). so nagcost-cutting sila at ginawa si shaider, mask rider black, etc. at dahil soloist ang mga bagong hereos na to, motorbike na lang ang binigay sa kanila .
nakarating din sa west ang mapormang style ng helmet. kahit na merong impenetrable magnetic force field, naghehelmet pa rin si Magneto. it really makes him look cool !
siempre dahil nakikita sa tv, maraming taong gumaya. bumili rin sila ng helmet para magmukang astig, o para hindi makikilala pagbumili ng gulay for dinner. hindi kasi magandang sumakay sa motorbike tapos may bitbit kang basket na may patola, kamatis at talong.
nagsimulang pumasok ang helmet sa mainstream product. tapos ginawa ng marketing department na iinclude ang bonus na safety factor para makumbinsi ang ayaw sumunod sa uso. nagboom ang helmet industry. naging "in" na ito sa masa,
then the world push for laws requiring every motorcyclist to wear helmet.
at dahil ang mga tao ay natural ding pasaway, merong mga anti-helmet group. pero justified naman ung reasons nila. dahil nga ang pangalawang purpose ng helmet is to conceal identity (ang una para magmukang astig), ginagamit na rin ng mga villains ang helmet katulad ng mga superheroes. Kaya sa Pagadian City, Philippines ipinatupad ni Mayor Samuel Co ang executive order #72 ukol sa Helmet Ban. Ayon kasi sa lokal na pagsusuri, ang mga snatcher, carnappers, kidnappers, dognappers, redsnappers, hired killers at kung ano-ano pang masamang elemento ng mundo ay nakahelmet when doing their evil deeds. tsk. hindi nila naisip na with great helmet comes great responsibility. Ngaun, pati ang karatig siyudad na Dipolog City ay pinag-iisipan na rin mag-join sa "Helmet Ban".
Sa ngaun, hindi pa rin tapos ang istorya ng helmet. Panahon na lang ang makakapagsabi kung ano ang kahihitnan nito, at ang magiging epekto nito sa pang-araw araw nating pamumuhay.
Attachment: Helmet evolution 1.jpgAttachment: helmet evolution 2.jpg

Nung isang lingo pa pala, pero kagabi ko lang nalaman, na-demote pala ang Pluto sa pagiging planeta.
Ayon daw sa bagong regulasyon, may tatlong requirements for one body to qualify as a planet:
1. kailangan na umiikot ito sa araw 2. kailangan sapat ang kanyang gravity para hatakin ang sarili at magmukang bilog. 3. at kailangan, solo nya ang orbit nya.
Dahil siguro natural na pasaway, (Pluto is the Roman God of the Underworld), na-reclassify itong si Pluto ng pasukin nya ng espasyo ng Neptune, isang paglabag sa requirement #3. Sa twenty years out of 248 na rebolusyon, sinasapawan ng Pluto ang katabing Neptune at nagiging mas malapit sya sa Araw. Ito ang nagging dahilan kaya napagkasunduan ng International Astronomical Union (IAU) na tanggalin sya sa pagiging planeta.
Marami namang nagrereklamo sa pagkaka-kick out kay Pluto sa celestial brotherhood. Ilang textbooks daw ang ire-revise, ilang planetarium/space museum ang irerenovate, at ilang tour guides ang magbabago ng script, dahil ayon sa Pag-Asa, madadagdagan ng 15 minutes ang 30 minutes na tour para ikumpara ang classic at modern arrangement.
Bukod dito, mawawalan din ng isang member ang Sailor Soldiers, hindi ko lang alam kung gaano karami ang fans ni Sailor Pluto at ewan ko lang kung irerevise pa ni Naoko Tekeuchi ang series nya. Anyway, hindi na naman ako nanonood ng sailormoon simula ng pumasok ako sa academy, lolz (go Naruto!) Speaking of cartoons, hindi daw apektado ang franchise sa aso ni Mickey Mouse ayon sa Disney.
Pati ang mga Scorpio, kailangan na naman yata nilang magpalit ng ruling planet (dati share sila ng Aries sa planet Mars pero ipinaubaya na nila ito around 1950 matapos madiscover ang Pluto around 1930).
Para sa mga nalulungkot sa eviction ng Pluto, rest assured na magiging masaya sya sa bago niyang barkada. Bilang dwarf planet, kasama na niya ngaun sina Ceres, Xena at marami pang darating at papangalanang dwarf planet.
Paalam Pluto, sa munting pagsasama natin, sa pangarap ko na marating ka nung grade 3 ako, sa milyon milyon mong fans, at sa mga batang hindi na magkakabisa ng 9 na planeta... kaming lahat, mamimiss ka namin!

 | The Name | Aug 4, '06 10:14 PM for everyone |
My given name is Michaelle S. Legaspi. Yes, mukang Michelle ang spelling I’ve been jested on this countless times. Gusto daw kasi ng parents ko na Michael ang pangalan, pero malas daw ang 7 letters sa panganay na anak (according to my granny) kaya dinagdagan nila ng extra two letters. Upon further analysis, I found that etymology of Michael rooted from the name M’HaEl literally means “Who as God”. Remember Michael Archangel? Most angels end with EL in their names like Gabriel, Uriel, Zepkiel, etc. Since meron extra “le” sa pangalan ko, hehehe, I have the balance between the angel and the devil. 
Nung bata ako, “King” ang palayaw ko. Hindi ko pa natatanong kung bakit ganon ang tawag sa kin ng tito at tita ko. May tumatawag sa kin ng “Mike”, meron “Kel”, at “Mikee (mayki)”
Sa academy, tinawag naman akong “Legs” dahil sa apelyido ko. Then may tumatawag sa kin na “Raguel” (meaning tagapaghiganti ng Panginoon) dahil sa isang mahabang kwento ko tungkol sa isang detective angel na si Raguel ang bida. Then Raistlin naman ang tawag sa kin ng mga kalaro ko ng roleplaying games.
I have this close friend na sa six years naming pagkakaibigan ay samu’t-saring pangalan na ang tinawag sa kin. Tinawag nya akong “chopstikz” dahil ang payat ko daw. Tapos pinalitan nya ng “caterpie” dahil takot ako sa bulate. Pagpinaparamdam nya sa kin ang pagiging kuya tuwing pagagalitan nya ko, tawag nya sa kin ay “mi-ke-li-to” na lagi pang may nauunang “hoy”. “Hoy mikelito, ayusin mo nga buhay mo!” Hehehe. Ang latest na tawag nya ngaun ay “badz”. Don’t ask.
With all the names I had, yung ngaun ang pinakagusto ko. Miko. Ito ang tinawag sa kin ng boss kong japon dahil meron ng “Mike” dito sa opisina. Miko rin ang character ko sa online game na KHAN. At ang religion ko eh “mikology” (more about that next time).
So remember it. Miko. Yan ang pangalan ng future boyfriend mo.
Toinks!
| |