Do you know Miko?Become his contact | Who is on Multiply?Find your friends | Want to learn more?Take the Tour | Already a Member?Sign In |
A couple of weeks ago, nawalan ako ng wallet sa Quiapo na pambili ko sana ng supplies for my microbusiness. My sympathetic friends comforted me saying:
by: Miko Legaspi Street Scholar and Old Time Victim Tip #1 Magmukang Busabos Tip #2 Wag isunod or isabay ang date sa Quaipo Tip #3 Ipaghiwalay-hiwalay ang mga pera. Tip #4 Wag tatanggap ng kahit anong Libre Tip #5 One Minute Food Rule Doesn't Work Tip #6 Maligo Right After Kayo, may iba pa ba kayong tip when shopping sa Quiapo?
By: Miko Legaspi Reformed Convicted Serial Dater Kung nais mo ang mag-ipon ng mga dahilan kung bakit dapat ka munang magdelay ng dating, I recommend book ni pareng Joshua Harris titled “I Kissed Dating Goodbye”. Medyo Christian-based nga lang ang approach nito pero workable naman. Plan #1: In this very superficial ADHD world, ang mag mukang taong grasa is the best way for those pesky suitors to avoid you. Hindi sapat ang mukhang-bagong-gising na buhok, its already a hairstyle. Kailangan mo rin ng hindi paliligo at pagto-tooth brush. Pag may nag do-donate na sau ng sabon, it means your on the right track. Plan #2: Ito ay mabisang paraan at hindi kasing irreversible tulad ng Plan #1. This plan is what I currently follows. Madalang mag load, once a week lang magcheck ng g4m, downelink at special account sa friendster. Eto ang pinaka productive na plan. Instead of battling your dates upfront, you chase other goals that leave you energy drained to entertain anyone. Having a workaholic / perfectionist boss would help. Kailangan mapuno ang organizer mo down to a fraction of a second. Pwede ka lang kausapin ng mga persistent dater habang umihi ka (taking a $hit needs concentration kaya hindi pwede). Dinner is a big no-no dahil you need to combine it with other focus-intensive activities like your juggling practice or turning water into wine. Following this plan, I increased my net worth 15 percent in one month (negative something na lang ito ngaun, konting buwan pa magiging positive na, hehehe). Plan #4: Pag nakorner ka ng isang dater, being a bore or mean would do the trick. One example is to talk only about yourself. Like this: Miko: About me, about me, about me, about me. Ingat lang din sa reputation points, coz like plan #1, baka mahirapan ka sa comeback mo. Plan #5 So far, yan pa lang ang naiisip kong plans to avoid dating. Share kayo ng plan nyo how to stay (temporarily) single. =) Lalo na ung mga single jan without effort from their part, their advice is very welcome. =)
Hehehe, kaya for one year, I will do just that. Wish me luck! =)
Pasenxa na mga readers, gripping (nagma-maasim) lang ako. Today, I ended a one year long dating. Hindi ko na-describe maiigi un sa last blog ko, but it was a very meaningful and fulfilling experience. It was indeed a roller coaster ride… with tears, blood and laughter along the way. I really thought we could make it. If you search for tenderness Sabi ng bestfriend ko, masyado daw akong idealistic. I shouldn’t expect anyone will be honest with you all the time. Pero alam niyang kaya un. Dahil he is an honest guy. And he knows me to be true, with a dozen of our friends who will not resort in lying unless buhay na ang nakataya. For us, its not an idealism, its normal. But I’ve seen a lot of liars, I hang out with them, some even became good friends. It don’t matter to me much that they lie. Honesty is such a lonely word I can always find someone I considered the storms we faced, survived, overcame. Ang mga petty quarrels, or week long fights. Ang mga walking out, and those silent cries till dawn. I considered the what-ifs. What if I can’t find another one, and can’t start a new beginning? What if I am really just being too idealistic? What if he do deserved a third chance? I can find a lover When I'm deep inside of me Shaw, I have no regrets. At kung babalik ako sa past, sa part when I first decided to date you, I still would. And maniwala ka man o hindi that I care, Shaw, I still do. I just couldn’t give my heart to you anymore.
Kagabi, ipinagdiwang namin ng Shawko ang aming First Dating Anniversary!
Nung panahon ng Roman, nakagawiang lagyan ng “Datus” at dugtungan ng araw at buwan ang isang mensahe, nangangahulugang “Binigay sa Araw na Ito:” or “Given on this Day”. Nang lumaon, ang date ay naging term for “time (and place) stated”. Ito ay nag-evolve pa bilang “appointment” hanggang unang maitala bilang “romantic liaison” noong 1885. Karaniwang ginagamit ng mga artistang “couple” sa ‘pinas ang “we’re just dating” status para sabihin sa publiko hindi pa “sila”. Kahit madalas makitang magkasama, ang dating status na ito ay magpapatuloy hanggang mabuntis ang babae at sila'y magpakasal. ------------- Miko’s Meaning of Date For the purpose of this blog, I will define “Dating” as “meeting and observing someone whom you’re figuring out of having a more lasting relationship with." Ang meeting ay maraming purpose: gain new friends, collaborate on a project, have fun watching movie, etc. Sometimes, it ends up in bed, pero I never assume na “mahal” na ako ng other party, or mahal ko sya. You learn Pero pag date, I’m meeting the person hoping that we would end up as partners. ------------- Miko's Dating History (optional read) D#1 Sally: c.1999 2 wks dating, more than a month IR (In a Relationship), break due my ignorance of love D#2 RV: c.2000 1 wk dating, quit dahil may taning na ang buhay ng date D#3 Lea: c.2000 1 month dating, quit/basted, papasok ako sa stay-in academy at magmamadre ang date D#4 Aileen: c.2001 2 ½ year dating, 1 ½ year IR, engaged ½ year, wedding called off kasi narealize kong ayaw kong magkanak. D#5 JR: c.2006 1 month dating, quit, incompatibility D#6 JP: c.2006 2 wk dating, quit, incompatibility D#7 Bunso: c.2006 1 month dating, basted, nalasing, nakitang nakikipaghalikan sa iba D#8 Wacko: c.2006 1 ½ month dating, basted, nakitang walang short sa loob ng kwarto na may kasamang ibang tao, reconciled, after 2 weeks, basted uli, kasi na inlove sya sa bestfriend ko D#9 Shaw: February 3, 2007 dated shaw, March 15, 2007 stopped dating due to breach of a promise, resumed dating until today…
------------- written Feb.3.8 / posted Mar.3.8
Sa lahat ng parte ng katawan ko, mata ang kinatatakutan kong mawala. Kahit na mawala lahat ng parte, kahit na parang multo na ako na walang nagagawa sa mundo maliban sa tumingin… mag-obserba… manood, siguro kakayanin ko pa rin. Basta patuloy akong makakita. Pero maliban sa panonood, itinuro sa akin ng tatay ko na marami pang silbi ang mata. Pag masyado na akong malikot, sasabihin nya lang na “Makuha ka sa tingin” para mapatino ako. Magaling ang training nya, dahil pag di mo na gets ang I’m-warning-you-eyelook, yari ka. Mula sa early lessons ng tatay ko, nasanay akong mag judge ng tao ayon sa mata nila. Nalaman ko na pag straight ang isang guy, tatagos ang paningin nya sa akin. Pero kung meron syang pusong mamon, makikita sa mata nya ang I’m-assessing-you eyelook. Pag wala ang considering-look na yon, he is either straight or hindi ako type, which are very helpful to know to avoid embarrassing situations, hehehe. Nalaman ko rin na hindi lahat ng tumatawa ay masaya, dahil mahirap itago ng mata ang kalungkutan. Nakikita rin na hindi lahat ng nakangiti ay kaibigan mo, dahil parang makikita sa mata nila kung naiisip nilang me nanakawin ka pagtalikod nila. Makikita rin kung sila ang merong itinatago. Hindi ako particular sa kulay ng mata, kahit itim na itim na parang nakakalunod, o light brown na parang ang gaan tignan. Sa umpisa lang din ako natutuwa sa colored contact lens, pero after a while, I want to see the real eyes. Dahil para sa akin, hindi dapat tinatakpan ang bintana ng kaluluwa. Sa lahat ng mata, ang pinakamasarap tignan ay ang mata ng taong nagmamahal. In most ways its brighter… and calming. At kung sa’yo nakatingin ang may ari ng matang yon, hindi mo alam kung ano ang ikinaiba mo sa lahat ng tao, pero mararamdaman mong espesyal, at safe, ka sa mata nya. “'Cause there's somethin' in the way you look at me you're the missing piece that there's nothing in this world I can't be you look at me” -------------Christian Bautista, The Way You Look at Me
O pa’no ba ‘yan, tapos ko ng gamitin ang mata ko sa pagsusulat, gagamitin ko pa to uli sa papanoorin kong porn. Nyahaha. Till next time na lang uli. =)
Ano bang meron sa Blogging?
Bakit sa kalamigan ng madaling araw tulad ngayon ay inilalatag ko sa word processor ang isang piraso ng aking utak para ibahagi sa sinumang sinawimpalad na babasa ng sinulat ko? Maraming rason, maliban sa pagbebenta ng mamahaling bags, gamot na pampaputi, mga cute na alagaing hayop o panandaliang aliw. At mayroon pang mas makabuluhang blog kesa pagsagot ng sari-saring personal survey. To Feel Sumusulat ng blog para magpa-impress sa mga mambabasa na kaya kong magtipon ng basura at sa kada 100 na reader, may tsansa na may 1 magkokomento ng paghanga. Sa papuri na yon, parang bata akong maadik sa kendi at muling magsusulat ng panibago. Write -> receive comment -> feel good -> write again. Paminsan minsan, tuwing magkukulay bughaw ang buwan at mag-aalign ang mga planeta, may isang taong gugustuhing makilala sa personal ang writer ng isang blog, at sa mas rare na pagkakataon, isang super sexy at uber hot na chick/rooster ang makakadate ko. Dito ako magsisimulang magkakaroon ng sariling buhay at madalang ng makakapagblog. Saka lilipas ang matamis (o mapait) na karanasan, magpapahinga sa totoong mundo, magbabakasyon sa cyberspace upang isaad ang karanasan para sa iba. And that’s another purpose of blogging – To Share. Sa iba ay quotes, sa iba ay jokes, sa iba ay larawan ng kinababaliwan nilang pornstar. May nagbabahagi ng sariling karanasan, mayroong nagkukwento ng karanasan ng iba. Meron din namang mag-aari ng gawa ng iba. Orihinal man o imitasyon, maganda man o negatibo ang layunin, ang resulta pa rin ay ang makapagbahagi. Anong paki ko kung hindi ikaw ang sumulat ng joke, o kaya nagcompose ng essay. So what din kung ni-repost mo ang blog ko at sinabi mong gawa mo (papakulam na lang kita, hehehe). Basta alam ko, nag enjoy akong basahin ang blog, na nakaibsan ng konti ang paghihirap sa mundo. O kaya nakapagturo ng isang bagay na makakatulong sa hinaharap. “Our lives are connected by a thousand invisible threads, and along these sympathetic fibers, our actions run as causes and return to us as results." ------------- Herman Melville To Grow Sa mga pagpapalakas ng loob at papuri (kritisismo), sa pagtanggap at pagbahagi ng karanasan, umuunlad ako bilang manunulat… bilang Miko. Maraming parte sa akin ang nalilinang (kahit puro porno ang ina-upload ng iba jan, hehehe), at ang buhay ko ay nagiging makulay (hindi lang dahil sa sabaw ng gulay. Hala, kakorni. Hahaha). Bilang pagtatapos, ang blog na to ay pasasalamat. Sa mga nagpadala ng mensahe na nami-miss nila ang writings ko (dahil paborito nilang okrayin) at kahit sa mga lurkers na pasilip-silip lang (hoy, magkoment naman kayo, hehehe, even a stumbling speech may strengthen a weak tongue, mga banat. Hahaha). Kayo, bakit kayo nagblo-blog?
-Paunawa: Wag seryosohin ang mga kayabangan, dala lang ng gutom- Darn. It's been so long since i last blog, parang ages ago na. Well, as usual busy kasi ako. Nakipagmeeting kasi me kay Bush, nagmamakaawa xa na wag ko na raw tibagin ung White House para sa ipinapagawa kong highway. Kaya un na nga, pumayag ako, siguro ung Taj Majal na lang ang ipapatibag ko. Anyway, lumipat na nga pala ako ng bahay. U all know naman na umuulan na, eewwness kaya un, nabasa ang bubong ng haus namin. Kaya lumipat me ng bagong haus, kasi di me comfortable matulog sa bahay na basa ang bubong. so un na nga. i transferred to a new place. at pagdating ko, hindi pa ayus ang internet connection. hassle talaga kaya tuloy di me makapagblog. and ung pulutong ng katulongs ko, di pa rin nakaka-move in. inaayos pa kasi ung mga bathtub sa tigi-tigasang room nila. yan tuloy, walang nagluluto, nagpapakain at nagpapaligo sa kin. hayz. --CUT-- sorry sa mga masugid na tagasubaybay, hehehe, ung writing sa taas eh ung communication style na ginagamit ko pag nang-iinis sa chatroom. but its true. i'm renting an appartment now for personal and business purposes. 2 storey and 2 rooms xa. ung isa pang sleeping, ung isa - work/war room. ung living room sa ibaba ang ginawa kong photostudio. hirap pala ng home alone. 2x lang me kumakain Don't get me wrong, i know how to cook and wash my own clothes (hindi me makaka-survive sa academy if not). ang prob lang eh ung entrophy (katamaran). hehehe. Now, i'm living alone, without an internet connection, and quite far sa bayan. hopefully, makakapagconcentrate na me sa mga writings ko (kung hindi me maaddict sa nilalaro kong computer game). and with that, mas maayos ko na ang categories ng mga articles ko dito (for my upcoming ambitious self-published book, wwhooppee!!). Kwentong Miko is about my clumsy life (tulad ng mahulog sa manhole) and peculiarities (kumain ng taho habang ume-ebs). General Nonsense is my blabber about the world. Mga obserbasyon at opinyon (like history ng helmet o paalam Pluto). A new category will be Miko's Manuals kung saan ang different experts ng multiple personality ko ay magbibigay ng guide on how to do things well (tulad ng How to commit suicide). hindi ko na isasama ang Mikology (my personal view on religion). hehehe, mahina kasi ang benta, saturated na kasi ang market at andami ng nag-iingay. so friends and fans (nyahahaha), check my site from time to time. comments will be greatly appreciated. =)
Hindi ko talaga personal na kakilala si Jack, o kaya si Poy, pero marami akong natutunan sa kanila. Dahil sa giyera nung panahon ng hapon, nakarating si Jack en Poi sa ‘pinas. Janken ang original na pangalan nito, at minsan, tinatawag din Janken Pon. Ito ay base sa naunang dalawang Ken games – San Sukumi Ken ng “Janken Pon acchi muite hoi” -------------Janken Original Chant Hindi ko alam kung paano naging Jack en Nalaman ko na sa halip ng mahaba at walang kwentang argumento, maari din namang pagdesisyon ang pagtatalo sa pamamagitan ng Jaken Pon. Gusto nya comedy, gusto ko horror = Jacken Pon. Gusto nya malling, gusto ko camping = Jacken Pon. Gusto nya sya ang top, gusto ko ako ang top = ako ang top, its nonnegotiable. Hehehe. Nalaman ko rin hindi all the time, you need to cut, or break, or cover-up. Pipilitin ka ng Jaken Pon na maging flexible, dahil kung hindi, sigurado ang pagkatalo mo. “If the only tool you have is a hammer, You tend to treat everything as a nail” -------------Abraham Maslow, Miko’s Collected Quotes Nalaman ko na sa larong ito, kailangan mo ng swerte, kaalaman sa personalidad ng kalaban mo, at tiwala sa intuition mo. At higit sa lahat, nalaman ko maging masaya, tumawa, mag-enjoy – manalo man o matalo. At nalaman ko to try again, and again. Pero may mga tao pa ring makikipagtalo ng walang katapusan para sa pipitsuging bagay na gusto nila. May mga umiibig sa iisang uri ng tao, at magtataka kung bakit laging parehas ang kinahihinatnan ng relasyon nila. May mga tao ng matalo ay umiyak, at may mga huminto ng sumubok at may mga tao na hindi na naglaro muli. Itinuturo talaga ng Jaken Pon, na sa laro ng buhay, ang matalo ay unggoy.
Rain always call me outside the house, and bathing in it, I called out my friend. Wet, we went to the store and bought a bottle of Cali Shandy each. I asked my friend to come with me to the beach. The storm made the waves much bigger, something that we only see in other countries. It was brownish red with dirt mix in it, and totally fearsome. My friend was freaking out when I sat on the breakwater. I let the wave clashed to me. Out balanced, I earned a few bruises, and lost one slipper. But I wanna do it again. “Gago ka Miko, baka may lumulutang na bote dyan,” my friend cautioned me. I smiled at him, and heed his advice. I walked in the nearby house where the waves still reach the yard. I stood at the back of the gate, held the railings, and braced myself for another huge clash. I looked at my friend, standing safely nearby, and I grinned, “Try it.” Encouraged, he stood beside me. And with me, we screamed together for another blast. And this time, I kept my eyes open, and look to my friend beside me. Around me was the brownish red water and bubbles abound. My friend’s eyes tightly shut, our whole body shivering, and after that wave, he looked at me, smiled, “Thank you” I said, smiling, “Shut up, here comes another one.” -------------- I went home that day, with my white shirt hued to brownish red, with a few bruises, with one missing slipper, but most of all, with my friend’s grateful smile permanently etched in my memory.
Finaly, last part na to ng suicide theme ko for this month. Para sa hindi nakakaalam, check Part 1 and Part 2. Sa post na ito natin idi-discuss kung papano gumawa ng suicide letter. Kaya, read on! Effective Writing and Suicide Letter By: Dr. Miko Legaspi, PhD Professor of Advance Literature and Salesman of Slightly-used Burial Gowns and Barongs Now, convince ka na na magpapatiwakal ka (reasons) at nakapagplano ka na rin ng magandang method. Pero bago mo ituloy ang plano mo, kailangan mo munang gumawa ng Spectacular Suicide Letter. Hahatiin natin ito sa dalawang part, ang content at presentation. Presentation Maari mong ipahayag ang saloobin mo sa maraming paraan. Ang makabago ay ang Death Video. Ang classic ay suicide letter. Creative naman (pero ngaun masyado nang common) ang pagsusulat sa mirror, bathroom wall gamit ang sariling dugo. Effective ito dahil shocking (at gruesome, eeww) kaso, sabon at konting scrub lang, mabubura na ang makabagbag-damdaming saloobin mo. We need something that will remain for quite a long time. Death video works fine, kaso mas matagal ang production kung ie-edit mo pa at lalagyan ng sounds and kick-ass graphics. Pero biglang sikat ka dito lalo na kung malalagay mo sa Youtube. So if you wanna go traditional, back to basic tayo sa letter. Maari kang gumamit ng colorful, flowery at scented paper with matching metallic glittering ink pen, kaso it terribly ruins the mood. Mas effective ang parchment or handmade papers. At kung may background ka sa calligraphy, use a fountain pen. Pwede mo ring sunugin ang gilid ng papel for a nice effect. Content Gawin mong maikli ang sulat mo. Dahil kung lalampas ng 3 pages ang suicide letter, maaring umupo pa sa gilid ng kama ang babasa, kumuha ng merienda, magkamot ng singit at pahikab-hikab na tapusin ang sinulat mo. You don’t want that to happen, do you? Kailangan pagkabasa nya, isang minuto lang, sisigaw na sya ng “Hinddeee!!!” Sabay papalahaw ng iyak. Sample: “Goodbye Philippines, Goodbye boring world!” Generally, ilalabas mo lahat ng gripes at bitterness mo sa suicide letter. This is your chance na manisi at mangonsensya. Kaso, ang mang-away sa huling sulat mo isn’t going to win you friends and influence people. Palayain mo na ang mga friends at family mo sa guilt na sila naman talaga ang may kasalanan. Ang effective na paraan para gawin yan ay manisi ng iba, at the same time, makacontribute sa kapakanan ng sangkatauhan. Sample: “Goodbye Philippines, the shampoo commercial ‘ang lambot’ felt I was being mocked to death, so I choose to kill myself instead” Sa paraan sa taas, maaari mong maipatigil ang pagpapalabas ng nakakainis na commercial. Other suggestion includes Barney and Friends o kaya a Miracle Crusade ng isang televangelist. Dapat mo ring panatilihin ang humor at mystery. Hindi porke’t magsu-suicide ka na ay may karapatan ka nang maging boring at madrama. Sample: “Hi guys, I will just hang out in my room, literally, hahaha. Lolz” Or “Nagsuicide ako, di pa nila makita ang katawan ko, nasa ilalim yata ng kama mo. Hahaha.” Yan, I hope I gave you enough ideas. If you wish an easy way, magdownload ka ng Microsoft Word Suicide Wizard. It works like this: ![]() O kaya, magcomment ka ng suicide note mo here in my site for my review and suggested revisions. Till next time. =)
Sa previous blog ko, sinubukan nating sagutin ang mga posibleng dahilan kung bakit maganda ang ideyang pagpapakamatay. Kung nakapagdesisyon kang sapat na ang dahilan mo, read on! Suicide For Dummies By: Dr. Miko Legaspi, PhD ProSuicide Activist and Dealer of Rent-to-Own Coffins Matapos madetermine ang motive (see my previous blog :Click), atin ngayong pag-uusapan ang magandang method. Tulad ng ibang arts, may mga elements ang Suicide. Ito ay ang mga sumusunod – Reasonable Dapat mayroong malinaw na dahilan kung bakit ka nagsuicide tulad ng namatayan ng tuta, nanakawan ng lunch box, pinalo ni nanay. Pag walang malinaw na dahilan, maaring may ibang mapag-bintangan sa pagpanaw mo. Suggestion: Ang classic/traditional way ay ang suicide letter (to be featured on my next blog). Ang uso ngaun ay suicide video kung saan magpapaalam ka sa mga iiwan mo, with background music. Malaki ang commercial impact nito lalo na kung maiipelikula ang buhay mo. Accomplishment Dapat siguraduhing natugnas ka sa paraang pinili mo. Dahil kung hindi ka matetepok, hindi yun suicide kung hindi isa lamang suicide attempt, tulad na ang inahing baboy ay hindi ganap na litson. Isa sa mga effective na paraan para masiguro ang success ng suicide attempt ay ang di pagpapa-obvious. Kung namumugto ang mata mo, sumisigaw ka ng “wwaahhh Life Sucks!!!” at papasok ka ng kwarto ng may dalang isang box ng sleeping pills, most likely mapipigilan ka ng mga nagpapakabayani at pakailamerong kakilala. Suggestion: Bumili ng sleeping pills. Pumunta sa beach. Lumaklak ng sleeping pills. Mag-sunbathe. Habang nakahiga ka sa buhangin, walang mag-iisip na pigilan ka sa pagpapatiwakal mo. At bonus pa ang healthy-looking tan. =) Suspense Ang element ng suspense ay depende sa personality ng magsu-suicide. May mga gusto ng quick and painless. Meron din naman na ang gusto ay dahan-dahan, kung saan kumpleto mong mapapanood ang flashback ng buhay mo, makikita mo na some parts pala ay worth living, at maaari ka pang magback-out. Suggestion: Magsabit ng tali sa leeg. Tumuntong sa seesaw. Ang nasa kabila ng seesaw ay bloke ng yelo na mas mabigat sayo. Exciting na habang natutunaw ang yelo, nalalapit ang iyong pagpanaw. Alternative, humiga sa sahig, magsabit ng kutsilyo sa kisame, itali ang kabilang dulo at lagyan ng kandila (kaso masyado ng gamit ang technique na to, ang korni pa). After-effects Siguraduhing hindi ka magmumukang katawa-tawa o katakot-takot sa burol mo. Tandaan, patay ka, hindi ka nagmumulto. Dapat mukhang natutulog lang. Siguradong maraming usisera at mapanuring mga mata ang sisilip sa kabaong mo. Better make sure you will start a make-up/fashion trend, at hindi isang disaster. Suggestion: Make it imperative na ma-cremate kaagad ang body sa umpisa palang. Balutin mo ng bomba ang katawan mo, pumunta kasa sa casino, at makipaglaro ka sa mga corrupt na politicians. Pag natalo ka, ka-boom! Pag-nanalo ka, hehehe, you might change your mind. ------------- Marami pa sana ang element ng suicide. Pero magmumuka ng libro ito at hindi isang blog post. Ano, inspired na ba kayo? By the way, may kaibigan akong nagbi-breed ng pitbulls. Naghahanap sya ng buhay na taong pagprapraktisan ng mga aso nya. Baka interested yung iba dyan. =)
"Mag Suicide Ka Na" Ito ang paborito kong payo pag nag-uumapaw ang drama ng mga kaibigan ko. Lately, napansin ko na dumadami ang blogs na may tema ng pagpapakamatay, kaya bilang contribution ko sa masa (at pagsabay na rin sa uso), nagdraft ako ng comprehensive guide. For editing pa to, kaya your comments will be appreciated. Suicide 101 Part I. Why Commit Suicide Maraming dahilan para mag-suicide pero mahahati natin to sa tatlong areas. Egocentric – pag egocentricity ang dahilan, ibig sabihin gusto mo ikaw ang Bida, at suicide ang solusyon pag di napagbigyan ang trippings mo. Halimbawa Iniwan ka ng syota mo – magsuicide ka na dahil nakakita ang mahal mo ng mas maganda, mas mabango, mas bata, mas mayaman, mas mabait, at kung ano pang mas (depending sa taste, may ex kasi na ang gusto eh mas matanda, mas madungis at kung ano-ano pa). Dapat kasi, ikaw na ang Pinaka at walang karapatan ang mahal mo na lumigaya sa iba. Kumplikado, Unfair, at Mahirap ang Buhay mo – magsuicide ka na dahil ang buhay mo ay parang pag-aaral ng Calculus gamit ang salitang hapon, at hindi ka marunong mag- Niponggo. Inisip mo kasi, dapat ang buhay mo ay parang hari na hindi mo na kailangang mag-isip, magtrabaho, o maligo. Kaya hindi ka na rin dapat mabuhay kasi nakakapagod huminga. Biktima ka ng kamalasan, karahasan, kababuyan, katangahan etc – magsuicide ka dahil may tao sa paligid mo na tanga at masama, at kakampi ni Kapalaran. Iniisip mo, dapat kasi lahat katropa mo ay anghel, kaya gusto mo ng maki-jamming kanila sa langit. Marami pang pwedeng halimbawa ang area ng Egocentricity. Pero lahat ng kaso ay isang pangyayari kung saan ang “dapat” sa buhay mo ay hindi nasunod. Noble (daw) – ito naman ay marangal na dahilan. Kung ang egocentric reasons ay kadalasang papansin para mas maging relax ang buhay, ang Noble Suicide naman ay serbisyong totoo. Halimbawa Environmentalist – feeling mo excess baggage ka sa mundo, pampagulo ka lang sa trapiko, taga produce ng carbon monoxide, o dagdag sa noise pollution. Patriotic – feeling mo, kailangan mong sumabak sa gyera o magmutiny o maging suicide bomber para sa mapang-aping bansa, gobyerno o baranggay tanod. Religious Fanatic – nakakarinig ka ng mga boses, nakakakita ng mga anghel, o nauto ka pari mo para gumawa ng will, beneficiary ang simbahan nyo at saka magsuicide by bombing other uto-uto of different religions. Stupidity. Ito ang pagpapakamatay dahil sa katangahan. Halimbawa -Back to Top- Maraming dahilan talaga para mag-suicide, at kung immortal ka lang, ito ay kaaya-ayang maging libangan, expression of creativity, at maari ding pagkakitaan. Kadalasan, Instant Celebrity ka rin dito, kaso wala ka ng chance tumanggap ng awards o pumirma ng autograph. For sure, may mga magagalit sa’yo, at baka hindi ka na nila kausapin kahit kailan. Ganon talaga pagsikat, maraming maiinggit, naunahan mo kasi sila. Next Lesson, How to Commit suicide.
No electricity. No tv. Only rented comics were the form of entertainment, which I just browsed the drawing coz I couldn’t read. I was four back then. We were living in a small wooden hut midway to the mountains, where the sound of tuko and kuligkig blends with my father’s strumming of his old guitar. Me and my brother sang along, unafraid that a snake might be just around the corner. We believe mama and papa will protect us. That night, I went out of the house. Summer breeze is much colder near the trees. Then, I saw a blink. Golden. Inviting. A firefly. I chased. My little limbs trying to catch up, till the roots of a mango tree tripped me. With a scraped knee, my eyes welled with tears. I was going to scream from pain, cry to my mama for comfort. But when I looked above, I saw the night sky filled with stars, dominant without the intruding city lights. And just right above me, stars are closer. I’m surrounded with fireflies. Dozens of them. Swirling and blinking. My mouth opened in wonder. My mama was still in the house, but in my pain, the world comforted me. Twenty years later, that experience always brings me close to tears. That I would trade all the complexities of my adulthood to bring back that innocence, that sense of wonder. I miss the soaring, comforting feeling. The inner peace and contentment… that simple fireflies can make me happy.
Dahil tinanghali na ako ng gising, dali-dali akong pumasok sa banyo para maligo. Matapos magbuhos ng tubig sa ulo at saiirin ang huling patak ng shampoo, saka ko lang napansin na katiting na lang ang natitirang sabon. Natatandaan ko pa nung malaki pa ang sabon na ginagamit ko. Ramdam ko ang kapangyarihang maglinis. Na kahit hindi marumi, sasabunin mo kasi kaya mong sabunin. Pero ang sabon ko patuloy na lumiit. Functional but not enjoyable. Hanggangg maging kasing liit na lang ng chicklet. Na naging kasing liit ng tictac. Na naging kasing liit ng butil ng bigas. Tiny bubbles (tiny bubbles) In the wine (in the wine) Make me happy (make me happy) Make me feel fine (make me feel fine) -------------Ho Don, <i>Tiny Bubbles</i> Iniisip kong balikan ang stocks ko ng sabon na bigay ng kaibigan kong si Al (oi, tenks uli), pero ibig sabihin non eh magtutuyo pa ako, aakyat sa kwarto, at babalik sa loob ng banyo para ituloy ang paliligo. Hindi option yun sa taong male-late na. Iinisip kong gamitin ang dishwashing soap sa kusina (na mas malapit sa banyo), pero parang malubha yun sa katawan sa paraang hindi ko maarok. Iniisip kong gumamit ng shampoo, kasi parang sabon din naman, kaso naubos ko na sa buhok ang huling patak. Kaya wala akong nagawa. Dinampot ko uli ang katiting na sabot. Ipinahid sa katawan, at dinalaw ako ni Kamalasan. Nalaglag pa ang huling hibla ng sabon. Pinilit ko ng damputin, pero natunaw sya kaagad. Parang nakakaiyak. My soap failed me. Or somehow, I failed him. Nag-water bath na lang ako. Matapos magbihis, saka ko lang naiisip kung pwede kayang ipampaligo ang toothpaste.
PROBLEM May problema ako. Money. Dinero. Pera. Don’t worry, hindi ko kau uutangan Pero tatanggap ako ng donasyon Hehehe Magde-debut ang little sister ko sa June 30, sa province, and my family is kinda tight sa ngaun. Both my father and brother are seafarers, pero end of june pa ang embarkation nila, kaya wala pa silang pera. Which means, I’m in charge sa funds. At inaasahan kong sa pinagsamasamang utak ng mga readers ng blog ko, makakapulot ako ng maganda at workable na idea to make my sister’s debut memorable at affordable. FUNDRAISING I hate owning a debt. Pag may utang ka, parang may power over you ang pinagkakautangan mo, at hanggat hindi ako nakakabayad, parang nakatali ako. Meron ding level ng immunity ang mga pinagkakautangan, parang hindi mo sila pwedeng kantyawan (na hilig ko naming gawin) o kya pilipitin ang kamay pag tinotopak ka (no touch policy). Kaya gusto ko, equivalent exchage. Kung may makukuha akong pera, I want it paid by my service right there and then. So preferably, I want to raise funds by giving my services (serbisyong totoo), or selling something: Aahhhh, bili bili bili, dibidi dibidi, bold bold bold -------------Isang vendor sa Quiapo BRAINSTORM Sa mga hindi pamilyar sa brainstorming, hindi po ito bagyo ng cerebrum, pituary glands, medulla oblongata, at kung ano-ano pang parte ng utak. Ang brainstorming e technique na pinasikat ni kumpareng Alex Osborn nung 1930s. Basta banat lang ng banat sa suggestion. Pwedeng iimprove ang idea, pero bawal i-critic. Iniisip nya, sa 1,000 garbage, at least baka may isang gem, o kaya mga bagay na pwedeng ma-recycle para makatulong. Hehehe. So, tulungan nyo naman ako. Suggest or build/improve upon may ideas: Hati sa dalawa ang iniisip ko. Raising Funds (kung papano ako makakapag-ipon ng pera) and Minimizing Cost (kung papano ako makakatipid pero makakapagbigay ng magandang debut sa kapatid ko). RESULT SO FAR Raising Funds -Magsideline ng pictorial (sino gusto magpakuha?) -magtutor ng Photoshop -magtutor sa mga elementary/high school ng basic subject -magbenta ng laman (per kilo) nyahahaha -mag retail ng gluta at olay products (meron ako talagang mabebenta nito, mura lang), pati sa Avon at Natasha (joke lang tong huling 2, hehehe) -isangla ang digicam ko (huhuhu, no way) -gumawa ng papers ng mga estudyante (kaso pasukan pa lang, wala pa silang term papers) -ibenta ang mga libro ko (nnnnoooo!!! Ito talaga di pwede) Minimizing Cost -wag ng magrent ng place, sa bakuran na lang (I’m considering it greatly) |