Do you know Miko?Become his contact | Who is on Multiply?Find your friends | Want to learn more?Take the Tour | Already a Member?Sign In |
Hehehe, kaya for one year, I will do just that. Wish me luck! =)
Sa lahat ng parte ng katawan ko, mata ang kinatatakutan kong mawala. Kahit na mawala lahat ng parte, kahit na parang multo na ako na walang nagagawa sa mundo maliban sa tumingin… mag-obserba… manood, siguro kakayanin ko pa rin. Basta patuloy akong makakita. Pero maliban sa panonood, itinuro sa akin ng tatay ko na marami pang silbi ang mata. Pag masyado na akong malikot, sasabihin nya lang na “Makuha ka sa tingin” para mapatino ako. Magaling ang training nya, dahil pag di mo na gets ang I’m-warning-you-eyelook, yari ka. Mula sa early lessons ng tatay ko, nasanay akong mag judge ng tao ayon sa mata nila. Nalaman ko na pag straight ang isang guy, tatagos ang paningin nya sa akin. Pero kung meron syang pusong mamon, makikita sa mata nya ang I’m-assessing-you eyelook. Pag wala ang considering-look na yon, he is either straight or hindi ako type, which are very helpful to know to avoid embarrassing situations, hehehe. Nalaman ko rin na hindi lahat ng tumatawa ay masaya, dahil mahirap itago ng mata ang kalungkutan. Nakikita rin na hindi lahat ng nakangiti ay kaibigan mo, dahil parang makikita sa mata nila kung naiisip nilang me nanakawin ka pagtalikod nila. Makikita rin kung sila ang merong itinatago. Hindi ako particular sa kulay ng mata, kahit itim na itim na parang nakakalunod, o light brown na parang ang gaan tignan. Sa umpisa lang din ako natutuwa sa colored contact lens, pero after a while, I want to see the real eyes. Dahil para sa akin, hindi dapat tinatakpan ang bintana ng kaluluwa. Sa lahat ng mata, ang pinakamasarap tignan ay ang mata ng taong nagmamahal. In most ways its brighter… and calming. At kung sa’yo nakatingin ang may ari ng matang yon, hindi mo alam kung ano ang ikinaiba mo sa lahat ng tao, pero mararamdaman mong espesyal, at safe, ka sa mata nya. “'Cause there's somethin' in the way you look at me you're the missing piece that there's nothing in this world I can't be you look at me” -------------Christian Bautista, The Way You Look at Me
O pa’no ba ‘yan, tapos ko ng gamitin ang mata ko sa pagsusulat, gagamitin ko pa to uli sa papanoorin kong porn. Nyahaha. Till next time na lang uli. =)
This song originally by Freddie Aguilar. Isa sa sikat na mang-aawit sa buong mundo (ang kantang "Anak" ay naisalin 26 na lenguahe at nakapagbenta ng 30milyong kopya), maraming makabuluhang kanta ang naisulat ni Ka Freddie tulad nito. Salamat kay Yeng Constantino at ni-revive nya to, i wanted something deep dahil para sa akin masakit sa tenga ang puro cheesy lovesongs at street songs (tulad ng "itaktak mo" o "papaya"). ----------- Madilim ang 'yong paligid, hating-gabing walang hanggan Anyo at kulay ng mundo sa 'yo'y pinagkaitan H'wag mabahala, kaibigan, isinilang ka mang ganyan Isang bulag sa kamunduhan, ligtas ka sa kasalanan CHORUS 'Di nalalayo sa 'yo ang tunay na mundo Marami sa ami'y nabubuhay nang tulad mo 'Di makita, 'di madinig, minsa'y nauutal Patungo sa hinahangad na buhay na banal Ibigin mo mang umawit, hindi mo makuhang gawin Sigaw ng puso't damdamin wala sa 'yong pumapansin Sampung daliri, kaibigan, d'yan ka nila pakikinggan Pipi ka man nang isinilang, dakila ka sa sinuman [Repeat CHORUS] Ano sa 'yo ang musika, sa 'yo ba'y mahalaga Matahimik mong paligid, awitan ay 'di madinig Mapalad ka, o kaibigan, napakaingay ng mundo Sa isang binging katulad mo, walang daing, walang gulo [Repeat CHORUS] 'Di makita, 'di madinig, minsa'y nauutal Patungo sa hinahangad na buhay na banal
Hubad na Katotohanan by Friko Mahilg sumagot ng tanong si sensei miko, at pag d nya alam ang sagot, mahilg xang mag-imbento. Hihihi. Hindi xa nagmamarunong, sinusubukan nya lang makapagbigay ng paunang lunas, hangga’t hindi pa nasa2got ang katanungan ng namomroblema. Baet nya po di ba? Tinanong q xa minsan bakit ko2nti lang ang kanyang damit (7 panggala na t-shirt, 3 polo, 1 gray short, 1 pantalong maong, 4 na sleeveless na pangbahay, at boxers and briefs na). sav nya, ayaw nya raw gastusan ang ganong bagay. Mas mahalaga daw para sa kanya ang bumili ng experience. Makapunta sa mga lugar na di pa nya nararating, at makaranas ng mga ka2ibang karanasan. Tin-ejer pa kasi xa nun ng magsimulang maglayag sa iba’t-ibang parte ng pilipinas, at early 20s ng lumabas xa ng bansa. Kakainggit di ba? Hihihi. Sav ko kay sensie miko, ibili nya rin aq ng damit. Kasi magpapasko na, nara2mdaman ko na ang lamig. Sabi nya, pano daw nangyari un, eh tela lang naman ang balat q, at bulak lang ang loob. Sabi pa nya, bakit daw kailangan pa ng damit, hindi naman daw pangit ang itatago nito. Hihihi. Di ko alam kung papano napagsasabay ni sensie ang pambobola at pagtanggi, pero kadalasan, effective xa. Hihihi. Sav ko naman po, "bakit ikaw sensie, nagdadamit? Pantakip ba yan ng pangit na parte ng katawan mo?" sabi naman nya, inde daw, iniiwasan nya lang daw ang maraming mahuhumaling sa katawan nya. Hihihi. Ang lakas lumusot ni sensie di ba? Kya bottomline, nakahubad na naman ako malamang buong taon. Sana may magregalo sa kin sa pasko. Hihihi. Si friko ay balbon at kulay brown na stufftoy. Meron syang kaduda-duda at masidhing paghanga sa puppet na pagong na lumalabas sa commercial ng Bibo Hotdog. Masikreto si friko sa mga crushes nya, pero hindi xa makalusot sa mapanuring mata ng kanyang amo, lalo na pagnapapangiti sya sa mga patalastas.
Hindi ko talaga personal na kakilala si Jack, o kaya si Poy, pero marami akong natutunan sa kanila. Dahil sa giyera nung panahon ng hapon, nakarating si Jack en Poi sa ‘pinas. Janken ang original na pangalan nito, at minsan, tinatawag din Janken Pon. Ito ay base sa naunang dalawang Ken games – San Sukumi Ken ng “Janken Pon acchi muite hoi” -------------Janken Original Chant Hindi ko alam kung paano naging Jack en Nalaman ko na sa halip ng mahaba at walang kwentang argumento, maari din namang pagdesisyon ang pagtatalo sa pamamagitan ng Jaken Pon. Gusto nya comedy, gusto ko horror = Jacken Pon. Gusto nya malling, gusto ko camping = Jacken Pon. Gusto nya sya ang top, gusto ko ako ang top = ako ang top, its nonnegotiable. Hehehe. Nalaman ko rin hindi all the time, you need to cut, or break, or cover-up. Pipilitin ka ng Jaken Pon na maging flexible, dahil kung hindi, sigurado ang pagkatalo mo. “If the only tool you have is a hammer, You tend to treat everything as a nail” -------------Abraham Maslow, Miko’s Collected Quotes Nalaman ko na sa larong ito, kailangan mo ng swerte, kaalaman sa personalidad ng kalaban mo, at tiwala sa intuition mo. At higit sa lahat, nalaman ko maging masaya, tumawa, mag-enjoy – manalo man o matalo. At nalaman ko to try again, and again. Pero may mga tao pa ring makikipagtalo ng walang katapusan para sa pipitsuging bagay na gusto nila. May mga umiibig sa iisang uri ng tao, at magtataka kung bakit laging parehas ang kinahihinatnan ng relasyon nila. May mga tao ng matalo ay umiyak, at may mga huminto ng sumubok at may mga tao na hindi na naglaro muli. Itinuturo talaga ng Jaken Pon, na sa laro ng buhay, ang matalo ay unggoy.
Rain always call me outside the house, and bathing in it, I called out my friend. Wet, we went to the store and bought a bottle of Cali Shandy each. I asked my friend to come with me to the beach. The storm made the waves much bigger, something that we only see in other countries. It was brownish red with dirt mix in it, and totally fearsome. My friend was freaking out when I sat on the breakwater. I let the wave clashed to me. Out balanced, I earned a few bruises, and lost one slipper. But I wanna do it again. “Gago ka Miko, baka may lumulutang na bote dyan,” my friend cautioned me. I smiled at him, and heed his advice. I walked in the nearby house where the waves still reach the yard. I stood at the back of the gate, held the railings, and braced myself for another huge clash. I looked at my friend, standing safely nearby, and I grinned, “Try it.” Encouraged, he stood beside me. And with me, we screamed together for another blast. And this time, I kept my eyes open, and look to my friend beside me. Around me was the brownish red water and bubbles abound. My friend’s eyes tightly shut, our whole body shivering, and after that wave, he looked at me, smiled, “Thank you” I said, smiling, “Shut up, here comes another one.” -------------- I went home that day, with my white shirt hued to brownish red, with a few bruises, with one missing slipper, but most of all, with my friend’s grateful smile permanently etched in my memory.
"Mag Suicide Ka Na" Ito ang paborito kong payo pag nag-uumapaw ang drama ng mga kaibigan ko. Lately, napansin ko na dumadami ang blogs na may tema ng pagpapakamatay, kaya bilang contribution ko sa masa (at pagsabay na rin sa uso), nagdraft ako ng comprehensive guide. For editing pa to, kaya your comments will be appreciated. Suicide 101 Part I. Why Commit Suicide Maraming dahilan para mag-suicide pero mahahati natin to sa tatlong areas. Egocentric – pag egocentricity ang dahilan, ibig sabihin gusto mo ikaw ang Bida, at suicide ang solusyon pag di napagbigyan ang trippings mo. Halimbawa Iniwan ka ng syota mo – magsuicide ka na dahil nakakita ang mahal mo ng mas maganda, mas mabango, mas bata, mas mayaman, mas mabait, at kung ano pang mas (depending sa taste, may ex kasi na ang gusto eh mas matanda, mas madungis at kung ano-ano pa). Dapat kasi, ikaw na ang Pinaka at walang karapatan ang mahal mo na lumigaya sa iba. Kumplikado, Unfair, at Mahirap ang Buhay mo – magsuicide ka na dahil ang buhay mo ay parang pag-aaral ng Calculus gamit ang salitang hapon, at hindi ka marunong mag- Niponggo. Inisip mo kasi, dapat ang buhay mo ay parang hari na hindi mo na kailangang mag-isip, magtrabaho, o maligo. Kaya hindi ka na rin dapat mabuhay kasi nakakapagod huminga. Biktima ka ng kamalasan, karahasan, kababuyan, katangahan etc – magsuicide ka dahil may tao sa paligid mo na tanga at masama, at kakampi ni Kapalaran. Iniisip mo, dapat kasi lahat katropa mo ay anghel, kaya gusto mo ng maki-jamming kanila sa langit. Marami pang pwedeng halimbawa ang area ng Egocentricity. Pero lahat ng kaso ay isang pangyayari kung saan ang “dapat” sa buhay mo ay hindi nasunod. Noble (daw) – ito naman ay marangal na dahilan. Kung ang egocentric reasons ay kadalasang papansin para mas maging relax ang buhay, ang Noble Suicide naman ay serbisyong totoo. Halimbawa Environmentalist – feeling mo excess baggage ka sa mundo, pampagulo ka lang sa trapiko, taga produce ng carbon monoxide, o dagdag sa noise pollution. Patriotic – feeling mo, kailangan mong sumabak sa gyera o magmutiny o maging suicide bomber para sa mapang-aping bansa, gobyerno o baranggay tanod. Religious Fanatic – nakakarinig ka ng mga boses, nakakakita ng mga anghel, o nauto ka pari mo para gumawa ng will, beneficiary ang simbahan nyo at saka magsuicide by bombing other uto-uto of different religions. Stupidity. Ito ang pagpapakamatay dahil sa katangahan. Halimbawa -Back to Top- Maraming dahilan talaga para mag-suicide, at kung immortal ka lang, ito ay kaaya-ayang maging libangan, expression of creativity, at maari ding pagkakitaan. Kadalasan, Instant Celebrity ka rin dito, kaso wala ka ng chance tumanggap ng awards o pumirma ng autograph. For sure, may mga magagalit sa’yo, at baka hindi ka na nila kausapin kahit kailan. Ganon talaga pagsikat, maraming maiinggit, naunahan mo kasi sila. Next Lesson, How to Commit suicide.
No electricity. No tv. Only rented comics were the form of entertainment, which I just browsed the drawing coz I couldn’t read. I was four back then. We were living in a small wooden hut midway to the mountains, where the sound of tuko and kuligkig blends with my father’s strumming of his old guitar. Me and my brother sang along, unafraid that a snake might be just around the corner. We believe mama and papa will protect us. That night, I went out of the house. Summer breeze is much colder near the trees. Then, I saw a blink. Golden. Inviting. A firefly. I chased. My little limbs trying to catch up, till the roots of a mango tree tripped me. With a scraped knee, my eyes welled with tears. I was going to scream from pain, cry to my mama for comfort. But when I looked above, I saw the night sky filled with stars, dominant without the intruding city lights. And just right above me, stars are closer. I’m surrounded with fireflies. Dozens of them. Swirling and blinking. My mouth opened in wonder. My mama was still in the house, but in my pain, the world comforted me. Twenty years later, that experience always brings me close to tears. That I would trade all the complexities of my adulthood to bring back that innocence, that sense of wonder. I miss the soaring, comforting feeling. The inner peace and contentment… that simple fireflies can make me happy.
Isa sa mga dahilan kung bakit hindi ako mapag-blog ng madalas ay sa kagustuhang maging 100% “worth reading” ang mga blogs ko. Buti na lang ipinaalala ng katropa kong si Scott Adams ang Golden Happiness Ratio. “Golden Happiness Ratio Is about 4/5 or 80% right Also known as “good enough” -------------Scott Adams, Good Happiness Ratio Ang mga nagpu-push thru sa 100% ay kadalasang perfectionist (na kadalasan ay malaking pain in the @$$ sa sarili nya at sa mga tao sa paligid nya). Ang mga nasa 80-90% ay good enough. 70-80% ay borderline incompent at below 60% ay serial losers at environmental burdens. Sa tingin ko, mas masaya – at mas successful – ang mga taong ok na sa 80%. Ang mga nagpapakahirap na abutin ang 100% ay madalang naman na nako-compensate ang effort nila. Pag nagawa mo good enough, sasabihan ka ng “thank you”, pag nagawa mo the best, sasabihan ka ng “thank you very much” (and I think the two extra word is not worth the additional 20% effort). Sa trabaho, ang 100% job performance ay nangangahulugan ng kawalang oras sa surfing, chatting, at blogging. This makes me an unhappy/unsatisfied employee at nakakapagpapangit ng work results ko. Nung nag-aaral ako, 85% na grade is good enough to maintain yung scholarship, pero kung sinagad ko, baka hindi ko natapos basahin ang favorite fantasy book series ko, hindi ako nakasideline sa publishing at hindi ko nadevelop ang super bonding sa mga kabarkada ko. Imperfection of self also extends tolerance of other’s imperfection. Katulad nung nakaraang sabado kung saan nagkita kami ng bestfriend ko; “Wow best, you outdone yourself ha. Nung nakaraan, 1 hour and 20 minutes ka lang late, Ngaun, 2 hours na!!! Thank you dahil sa paghihintay sau Dito sa national Bookstore Natapos kong basahin ang 244 pages na graphic novel ni Neil Gaiman -------------Miko, "Bakit ba On Time Ako, Eh Nasa Pinas Naman Ako? Atbpng Tanong" Yan, sa tingin ko, 80% na tong blog na to. Pwede ko pang i-edit to para maging 85%, pero marami pa akong ibang gagawin, hehehe, kaya pwede na.
Bilang isang mikologist, madalas kong paglaruan ang idea ng kamatayan, lalo na habang wala akong ginagawa dito sa office kundi mag-surf, mag-chat, mag-tablehop etc. Even planning my wake/funeral is a favorite hobby (Click this blog==> "Patay Tayo Dyan"). Pero kahapon ko lang napag-isip isip, ano ang dapat na maging famous last words ko. Ang pangit naman kasi kung ang bibitawan kong huling salita, walang kwenta. Anong iiwan ko thought-provoking words of wisdom sa mga kamag-anak, kaibigan, kaaway, fans, at sa susunod na salin-lahi? Pagnaghihingalo na ko, kailangan maintain ang pride at composure. Dapat prepared at memorized ko na ang famous last word ko, di tulad nito: "Don't end it like this. Tell them I said something." -------------Francisco "Pancho" Villa, Mexican Revolutionist. Yun ang mga taong hindi prepared kaya nagka-cramming. Meron namang tipid ang last words, talagang isang word lang ang iniwan nya (pero sobra namang inspiring) "FFFRRREEEDDDOOOMMM!!!" -------------William "Braveheart" Wallace, Scotish Revolutionist Bukod sa maganda at thought provoking epitaph, dapat original din. I'm a proud Filipino, pero aminado naman akong marami sa 'tin ang nanggagaya lang (siguro sobrang idol nya ang nagsabi ng famous last word na yon) tulad nito: "Consummatum est (It is finished)" -------------José Rizal, Filipino Nationalist Ayoko din naman na sobrang pormal: "I believe we should adjourn this meeting to another place." ------Adam Smith, Political Economist Para makabuo ng magandang last words, nagbrainstorm ako, depende sa characteristics ko, kung nadamay ako sa katangahan ng iba, o sa isang kakaibang sitwasyon: "Wwaahh, sabi ng bawal silang gisingin pag nagha-hibernate" -------------Miko in the wildlife together with a stupid friend "Sigurado ba kayong red wire ang puputulin" -------------Miko following the advice of an imcompetent bomb squad "Sige, payag akong kalabanin ka ng hand to hand combat, Mr. Bond" -------------Miko on how he defeated a spy with the cost of his own life "Lahat ba talaga ng miembro ng clan nyo pangit?" -------------Miko na nalasing sa isang grand eyeball "Wow, talaga bang lahat ng terrorist ay may relo sa sinturon" -------------Miko lulan ng isang bus na puno ng goverment officials "Sorry, akala ko nasa business trip ka" -------------Miko na nahuli =P Hayz, nakakapagod din pala. Mas maganda siguro isawasan ko na lang na magsabi ng mga nonsense na bagay, para any moment, i can be proud of my last words. Its something that my friend Death always reminds us. "Last words are for fools who haven't said enough". -------Karl Marx, Political Economist Kayo? Ano sa palagay nyo ang magiging famous last words nyo?
Nung nakaraang sabado, nag leader-leaderan ako sa Summer Swimming Party ng Tissue Clan kung saan isa ako sa founders (Bakit Tissue? Hehehe, it deserves a blog of its own). Madugo ang buhay sa Clan na yun, marahil ay dahil sa ibat-ibang personality ng mga founders, tulad nito: "Miko - proud at naniniwalaang ang utot ay nakakapagpatibay ng bonding sa nakakaamoy at umuutot Jecky - garapal umutot na kahit alam na ng lahat na sa kanya galing ang tunog, todo deny pa rin at ibibintang pa sa iba. Juls - bumubula pag-umutot dahil kung ang iba ay napapaihi pag lumusong sa beach or pool, sya naman ay nagpapasabog. Peter - mahiyain ang utot dahil ang hina ng tunog at bahagya syang ngingiti sau na dadaig kay Mona Lisa. Brent - nasa loob ang utot." -------------Miko, Observations on Personalities Pero kahit na grabe ang pagkakaiba ng mga personalities namin, nakuha pa rin naming magsama-sama ng matiwasay (marahil sa regular bonding session na nilalabas ko). Our friendship was tested more than a dozen over. At ang pinakahuli at pinakamatindi ay ang away namin ng bestpren ko. Hindi ko kasi kinaya ang sinabi sa kin ng dina-date ko after i came back from an overnight business trip. "Hindi na kita kayang pakisamahan... mahal ko na ang bestpren mo... hihintayin ko sya dahil sabi nya, mahal nya ko" ------------W, Mga Pamatay na Pangbasted Siempre, ang sakit nun, nakakapraning. Pero wala namang masyadong nagbago sa min ng bestpren ko. Nilagyan ko lang ng "a" ang bestpren kaya naging beastpren, blinock ko lang sya sa cellphone ko, at ineedit ang pictures na kunyari ay nakikipagsex sa baboy para ikalat sa internet (hehehe, joke ko lang ang huli, hindi ko naman tinuloy).Pero after 3 months nga, back to normal na kami. Breathe in Breathe out lang. Parang walang nangyari. Parang na-ututan lang, magagalit ka sa simula, then makakalimutan mo rin. Tamang kulitan at asaran uli. Isa yon sa natutunan ko sa mga bata. Kahit lokohin, pagalitan, paluin... after ilang saglit lang, ok na. Madali silang magpatawad, then tatawa na pagkatapos.
Tapos na. Breathe in – breathe out lang yan. Naiyak ko na lahat. Nakakahinga na ako ng maluwag. “If pain must come, may it come quickly. Because I have a life to live, And I need to live it In the best way possible. If he has to make a choice, May he make it now. Then I will either wait for him, Or forget about him. Waiting is painful, Forgetting is painful, But not knowing which to do, Is the worst kind of suffering.” -------------Paulo Coelho, By the River Piedra I Sat Down and Wept Sinabi nya kagabi na suko na talaga sya. Na hindi nya na ako kayang pakisamahan. Na may mahal na raw syang iba. Aminado ako na malaki ang kasalanan ko. Na nasaktan ko sya, ng sobra, ng maraming beses. And person gave up. Sinukuan nya ako. Kung kelan nagsisimula na akong magmahal. Isang hakbang na lang, hindi nya pa inihakbang. Isang kirot na lang, hindi nya pa tiniis. Binalak kong magpakatanga. Na mahalin sya kahit hindi nya na ako mahalin. Gelo: Sasayangin mo lang ang oras mo. Miko: Di bale nang masayang, ganon sya kahalaga sa kin. Sheena: Eh kami? Hindi ba kami mahalaga sayo? Pwede ka lang magpagago, kung walang naghahangad ng oras mo. Gelo: Gusto namin sya. Maayos syang kasama. Pero hindi nya pwedeng solohin ang oras mo. Pwede lang syang maging parte ng pamilyang binuo mo. Dony: Pag nagpakatanga ka, pano pa kami makikinig sa advice mo na wag magpakatanga? Partner: Be responsible for your actions naman, we are looking up to you as our model for growth. Wag mong sirain ung natitira mong credibility. -------------The Family, Conversations with the Family Isang buntong hininga. Salamat sa mga tunay na sumoporta. Sa Family. Kay Billy, Lucky, Jecky, Juls, Noeh. Pati sa taong tumatawag sa king bossing, salamat sa quote LNC. Salamat sa mga online friends ko dito sa multiply. It is finished. |