Miko's posts with tag: religion
Ang unang God-Concept na na-form sa akin ay ang Christian God. Hindi naman ako nagsisisi Dahil kung sa Hindu country ako lumaki Baka ang nasalin sa aking God-Concept ay isang kulay bughaw na Elepante. Nangyari lamang na dumating sa buhay ko ang stage na tinawag kong Unlearning. Now, I look at Books, including the Bible without a preconceive notion that " God is Good". I search the contents of the Message with a question in my mind " Who or What is God?" Thus I become a Seeker. Hindi po ako miembro ng anumang relihiyon na nakakasigurado ng nakaraan at ng hinaharap ayon sa aklat na kanilang nabasa at sa itinuro ng kanilang pastor. Totoo bang may Diyos At mabuti ba sya?Hindi ko alam.Immortal ba ang Tao?Hindi ko alam.Pero intensyon kong alamin. Hindi lang po Biblia ang binabasa ko Tinitignan ko rin ang Soul Concept ng Buddhism O kaya ang kawalan ng God Concept ng Atheism Maski ang Nonantropomorphical God ng Paganism Nagtatanong ako "Bakit ako maniniwala na ang tao ay mula sa alikabok, at hindi nag-evolve mula sa apes?" Nag-iisip ako "Kung ang konsepto ng Diyos sa Hustisya ay iba sa konsepto ng Tao, Maaari kayang iba rin ang konsepto ng Diyos Sa langit, impierno, kaligtasan, kaparusahan at iba pa? Kaninong interpretasyon ang nararapat tanggapin? At ano ang basehan?" Pagbabasehan ko ba ang agham, lohika at pilosopiya? O ang sarili kong pamantayan ng tama at mali? O isa sa mga sinaunang aklat? O sa taong humihiyaw, umiiyak at minsa'y kumikisay sa harap ko? Marami pong katanungan na hinanapan ko ng sagot, ng may sinseridad. Hindi ko inaasahan lahat ng tanong ay masasagot, At kung paparuhasan ako ng isa sa mga Diyos Dahil nagduda ako sa kanya, Matatanggap ko yon, Kesa naniwala ako unang taong nambola sa akin. -------------Miko, Comment on Blogs Originally posted on Peledik's Site
"God's your prankster, my boy. Think of it. He gives man instincts. He gives you this extraordinary gift and then, I swear to you -- for his own amusement -- his own private, cosmic gag reel -- he sets the rules in opposition. It's the goof of all time. Look but don't touch. Touch but don't taste. Taste but don't swallow. And while you're jumping from one foot to the other he's laughing his sick fucking ass off! He's a tight-ass. He's a sadist. He's an absentee landlord! Worship that? Never." -------------Milton, Devil's Advocate
 | Warning | Aug 27, '06 12:26 AM for everyone |
Let me at least warn you. What follows is my own radical views regarding religion. Marami kasing nagtatanong, bakit meron akong sariling religion. At katulad ng nasabi ko sa first post ko, I would explain it here. Maybe I explained it rather extensively. And some would claim it harsh, ignorant, arrogant, and even brutal. I would be called an infidel, heretic, or blasphemer. Pero kung maiilinya ako sa hilera nila Galileo, Darwin, Leonardo and the rest, it would be an honor. Warning lang po. =) If somebody can't take the heat, get out. =)
Katulad ng nakakarami, lumaki ako sa paligid ng mga taong nakakaalam, nakakasigurado. Sigurado daw sila kung paano nagsimula ang lahat. Itinuro sa kanila na isang araw nang Lunes, nagkaroon ng liwanag, at sa loob ng anim na araw, nalikha ang sangsinukob. Hindi lang simula ang alam nila, alam din nila ang wakas. Katulad ng kasiguraduhan nila sa nakaraan, sigurado rin sila sa mangyayari sa hinaharap. Kung saan ang lahat ng nautas at nabubuhay ay haharap sa isang hukom. Ang iba ay makakapasa, ang karamihan, bokya. Ang mga sumemplang ay may one way trip. Ibababad sila sa kumukulong langis, tutuhugin ng malaking tinidor, at iba-barbeque sa apoy. And this would go on for eternity. Pardon, but for me, that’s bull$hit. Sa aking pagkakaunawa, ang pagpaparusa ay may dalawa lang na purpose. Deterrence at Reformation, pigilan ang isang tao na gumawa ng kasalanan o kaya baguhin ang taong nakagawa ng kasalanan. Pero ang konsepto ng eternal punishment serves no other purpose than simply to punish, for eternity, period. Ewan ko sa iba, pero para sa akin, that’s barbarism. To think that a just, merciful, and loving Being created this set-up… I’m not buying it. Kung papipiliin ako, Konsepto ng Heaven at Eternal Punishment o Konsepto ng Reincarnation, I would always choose the latter. Dahil sa eastern philosophy na to, mamatay tayo, tapos mabubuhay muli. Kailangang nating magsumikap to attain the enlightenment, saka mamatay uli. Kung na-bingo mo ang ginawa ni Sidharta (Buddha), premyo mo ang Nirvana, kung hindi naman, meron kang “better luck next time”. Pero yung pinakasikat na relihiyon dito, maraming hihingin sa iyo, kapalit ng one time chance lang. Narinig ko na binigyan naman tayo ng choice. Free Will daw. Malaya kang sumunod o sumuway. Ang tingin ko don ay tulad ng isang holdaper na tinututukan ka ng baril. "Ibigay mo ang pera/cellphone mo". May choice kang sumunod o sumuway. Pero pag di ka sumunod, bam!
"I am an omnibenevolent Father, follow my counsel. I love you, my child. But if you do not follow me, burn baby burn." =)
Part II – Ang Kaligtasan Nang magkaroon ako ng sariling pang-unawa sa ibig sabihin ng eternal punishment, badtrip to the max! Dahil it follows pala na sa Great Exam, bukod sa kailangan mong magsunog ng kilay, kailangan mo pa rin pala ng backer. Ang ipinamana pala sa akin na relihiyon ay may isang “anak ng Diyos” na sinolo ang kaligtasan, na kung sino man daw ang hindi dadaan sa kanya, hindi makakarating sa “Ama”. Pag nagduda ka at hindi naniwala, tepok ka. “To live a moral and honest life – to keep your contracts, to take care of wife and child – to make a happy home – to be a good citizen, a patriot, a just and thoughtful man, [without faith] was simply a respectable way of going to hell” -------------Robert G. Ingersoll, Why I Am an Agnostic Mabuti pa ang aso, kakahol, kakain, iihi sa mga poste, at matapos ang oras nya, mamatay. Yun na yon. Pero ang tao, kailangang matuto ng maraming bagay, magtrabaho, mamuhay ng mapayapa, at matapos ang oras nya, mamatay… At matapos mamatay, meron pang Deal or No Deal, kung saan bubuksan na ang huling briefcase. 2 million o piso? Ang agnostic, hindi na matatakot kung saan sya babagsak, dahil nag-deal na sya sa banker. Minabuti nyang harapin ang kasalukuyan, ang kasiguraduhan. Totoong nawalan sya ng tsansa sa langit, pero sigurado sya na hindi sya mapupunta sa impierno.
Part III – Theism, Atheism, Agnosticism and Fanaticism target="xml" content="namespace prefix = o ns = \"urn:schemas-microsoft-com:office:office\" /"/>?> Ang agnosticism ay isang konsepto, hindi relihiyon. Ang agnostic ay isang tao na naniniwala na ang existence of God can neither be proved nor disproved, on the basis of current evidence. Ang theist ng ano mang religion ay magsasabing, “Totoo, merong Diyos”, ang atheist naman ay magbibitaw ng “Kalokohan, walang diyos.” Ang isasagot naman ng Agnostic kung meron bang diyos o wala, “Hindi namin alam, at wala kaming paki.” It doesn’t matter kung ano ang relihiyon mo, o kung gaano ka kareligious. But there is a clear line between being a theist and being fanatic. Dahil kung tatanungin ako, ano mang Crusades o Jihad ay walang katuturan at kapararakan. "Imagine there's no country, it isn't hard to do Nothing to kill or die for and no religion too Imagine all the people living life in peace..." ------------- John Lennon, Imagine Hindi na ako kailangang kumbisihin na totoo ang diyos nila, o mas malakas ang diyos nila sa ibang diyos. Dahil sa tingin ko para lang silang mga bata na nagtatalo kung sino ang mas magaling na superhero, si Superman o si Son Gokou. At kahit sinong adult na makikipag-away dahil sa relihiyon nya, would still look like, at least to me, an immature child playing childish games using wicked weapons. Ipilit nya mang totoo at magaling ang kanyang tagapagligtas, I would be dumb to believe that his superhero really existed, unless he has sufficient empirical evidence.
 | Mikology | Aug 27, '06 12:03 AM for everyone |
Part IV – Mikology target="xml" content="namespace prefix = o ns = \"urn:schemas-microsoft-com:office:office\" /"/>?> My religion is deeply personal. This is the path I travel toward, what I believe to be, spiritual growth. Logos means study, Miko is my chosen name. Mikology is (1) studies of Miko, and (2) study of Miko about himself. Marami akong nakita at nakilala na taglay ang kanilang pinamang relihiyon. Kung ang magulang nila ay muslim, sila ay Muslim. Kung lumaki sila sa paligid ng mga taong naniniwala kay Yahweh, iyon na ang naging relihiyon nila. But it is also written, to seek the target="xml" content="namespace prefix = st1 ns = \"urn:schemas-microsoft-com:office:smarttags\" /"/>?>kingdom of God. At ang main word doon ay SEEK, hindi maniwala sa unang taong magsasabi ng kung ano. Totoong mas madaling maniwala sa iba, sa nakakatanda, sa isang tao with authority, o kaya sa isang ancient book. But to close my eyes and leap blindly, hindi ko yon magagawa. Totoo rin na mahirap maghanap ng enlightenment, mag-aral ng ibang philosophy, tumanggap ng basic truths. Mahirap magbago ng lumang paniniwala, at lalo ang magbago ng nakagawian. Kaya siguro nasabi na: “Laziness is the root of all evil” ------------- M. Scott Peck, The Road Less Traveled Meron bang Diyos? Hindi ko alam. Imortal ba ang Tao? Hindi ko alam. Ito lang ang alam ko, hindi ako dapat humusga ng ibang tao kung sa langit o impierno sila mapupunta ayon sa aking pamantayan. Alam ko na ang pagpatay ay labag sa batas. Alam ko na ang ritwal ng pagsawsaw ng daliri sa “banal na tubig” kung saan maaring maraming mikrobyo na magdudulot ng sakit ay hindi makakapagpasigurado sa akin ng kaligtasan. Alam ko na hindi dapat maging dahilan ang kaibahan ng paniniwala pagdating sa pagtulong sa kapwa o pagbigay at pagtanggap ng pag-ibig. Marami akong hindi alam. At siguradong hindi ko malalaman ang lahat-lahat. Pero ang relihiyon ko na Mikology ay laging nagpapaalala sa akin na patuloy na mag-aral at sumuri, at panatilihing bukas ang isipan.
| |