Kwentong Miko and General Nonsense

Miko's posts with tag: thoughts to ponder

What are tags? You can give your posts a "tag", which is like a keyword. Tags help you find content which has something in common. You can assign as many tags as you wish to each post.
View posts by people in your network with tag thoughts to ponder
Blog EntryPano Palitan ng Cyberlife ang Real LifeAug 19, '08 9:00 PM
for everyone
Bored? Unappreciated? Reality too harsh? There is Life other than the pathetic one you live in. And it doesn’t require you to board a flying saucer, change your religion, or overdose yourself.

All you need is a PC, Modem, Dial Up connection (preferably DSL), a Disloyal Lover, Deceitful Friends, and Unfulfilling Job. Then follow this Manic Manual.

Pano Palitan ng Cyberlife ang Real Life
By Miko The Architek
(Mortal Enemy of Neo a.k.a. Mr. Anderson)


1.) Create Monstrous Identity.

Sa virtual world, you can make believe and fulfill your fantasies. Dito may tsansa na magpanggap na mayamang socialite ang isang katulong, or katulad ng nauuso - the other way around. Maging hunk na pinag-aagawan ng lahat by posting pictures ng iba, kahit sa totoong buhay, ikaw ang nawawalang Missing Link ni Darwin. Maging Silver Grand Knight of Deepest Hell Who Can Deal 99,999,999 Damage in One Blow, kahit lampayatot ka at may BolaPhobia (fear of any Ball Games).

Your anonymity multiplied by phony concern of other netizens (truth: they’re busy too with the creation of their identities) grants you GodLike powers to be who you want. Exploit it. =)

2.) Hook Up.

Internet = Connection. Kahit ang speed ng internet nyo ay mabagal pa sa lasing na kuhol, pagtyagaan mong mag-add ng friends, magpost ng blogs, at maglaro ng online games. Collect and connect with as many entities as you can. Who cares kung tatlo sa “friends” mo sa list ay iisang tao lang. O kaya ang isa doon ay tatay mo na nagpapanggap na babae (ng hindi mo alam).

The purpose is to never be alone, to get served and give service, to have someone listen to your aspirations, rants, or ramblings – to affirm your existence.

3.) Suave Scheduling.
Time and Resource Management is a tough issue. Kung si Bruce Wayne ka na pwedeng magpasunog ng dollars kay Butler Alfred para pausukan ang puno ng mangga, wala kang magiging problem. You can have your business by day, social life by noon, and nuke criminals at night. Pero kung nagrerent ka lang ng PC from your allowance at paminsang-minsang kupit, mas challenging yan.

Wag masyadong mag-alala, maraming Computer Café Owners na concern sa needs mo. Meron silang special promos like “8pm to 8am, 100 pesos Only”! At may discount pa kung isang grupo kayo na magre-rent (para wala ng tatayo sa upuan, magtoka na lang kung sino ang bibili ng merienda). Masuerte ang mga office workers with unlimited access of internet. Hindi ko na sasabihin kung bakit dahil my immediate supervisor read my blogs. =P

Remember, Online Status is the only thing that signifies you are alive in Virtual City. So cancel that date, practice polyphasic sleep, and experiment mixing coffee with Gatorade.

4) Learn, Love, Live!

Napakarami ng misteryo sa Universe, at nasa Cyberspace ang kasagutan ng mga ito. Bakit si Goofy ay nakakatayo/nakakapagsalita/may-damit at si Pluto ay asal hayop pa rin, parehas lang naman silang aso (ang sagot ba ay Breed Discrimination)? Nagkakaroon ba ng panaginip ang mga bulag? Kung ang corn oil ay gawa sa mais, at ang vegetable oil ay gawa sa gulay, saan gawa ang baby oil (in related issue, kung ang flea powder ay pamatay ng pulgas, para saan ang baby powder)?

Lahat ay masasagot ng internet. At suportado ito ng mga surveys at statistics (na gawa-gawa lang din naman, tulad ng supultorerong nagpapanggap na Expert ng Cryogenics). Who needs rummaging to smelling-rotting books under the drilling eyes of an unwed librarian having a hemorrhoidal attack? The entire world’s knowledge is at the comfort of your bedroom.

Or perhaps you are looking for the love of your life, your soulmate? Sa internet mo rin ito makikita. Lalaki ba ang hanap mo? O Babae? O Babaeng may lawit? All of them are there, all breed, shapes and sizes. You can access them with the tip of your finger, preferably with a webcam (and to some for a small fee). And for Heaven’s Sake, they are gorgeous. So bakit ako magpapakahirap manligaw sa kaklase ko na sya nga mismo hindi alam kung ano ang gusto nya..

Sa internet, pwede mong damitan ng kahit anong style ang avatar mo. Pwede mo itong bilhan ng kotse, pagawan ng bahay. Bilang siya, pwede kang mamuhay tulad ng isang pirata, isang robot, o isang amoeba. At kung makokombinsi mo ang sarili mo, at makumbinsi mo rin ang ibang tao, that you are having the greatest time of your life (or technically your avatar), who else to argue?

For these reasons, bakit ka magtyatyaga sa totoong buhay. With this Manual’s Simple Instructions, walang kahirap hirap na Maging Ikaw Ikaw, makonekta sa mga Taong Gusto Mo, at mamuhay ng Walang Hassle. Everything you want to have in life is right here in Cyberspace – The Ultimate Paradise.

Just don’t be bothered (or envious) about the Café Owners and Web Developers who are island hoping, with caring friends, while drinking champagne with their soulmate.

-------------

Miko is a very famous and well-loved netizen until he swallowed that darn red pill Morpheus gave him. He spent his time normally now – working by day, study by noon, and (for rare occasions) blog by night (if he can’t find a good shag). This is his official entry for Blog Challenge 06: The Virtual Vice.

Blog EntryProject: Zero Dating for One YearMar 29, '08 6:39 AM
for everyone
Part 1:  The Rationale

Oo na, sige, aminado na ako, I’ve been a serial-dater.  But most of what I had were just casual dates.  Meet-ups lang.  Friendly getting-to-know convertsation.  It doesn’t always end up in bed, but some serious ones began on it.  Hehehe.

Isang guy dito sa multiply ang nagbansag sa akin na I’m an elimidater.  And for the umpteenth time, sorry uli.  Hindi ko talaga sinasadya na pagsabay-sabayin i-meet ang pang 7:30, ang pang 8:00, ang pang 8:30, etc nang 10:00pm when I visited your city.  Nagkataon lang talaga na naextend ang pinapagawa ng boss ko.  And knowing na I had to flew back by morning, kailangan ko talagang magpokus on who I want to spend that entire night with.  Hahaha.  (ouch, I’m already saying sorry, no need to stomp on my tail everyone).
 
But times do change.  At sa maniwala man kayo o hindi, may mga gabing nagpapapuyat sa akin ang Little Voice, telling me to seek personal growth, and that having a hard-on doesn’t count.

This same pesky voice had been annoying me since time immemorial.  Na kesyo mas maganda daw at normal ang gumising ng 6:00am kesa magsimulang matulog.  At mas productive nga naman na i-spend ang 90% computer use sa work kesa magsurf/chat sa dating sites.  Na mas healthy ang ratio of 4:1 ng food vs beer kesa other way around.

 At dahil kakatapos lang ng 2nd Longest Dating ko, which frustratingly ended badly, I think its about time I listen.  And so, I come up with this project I will go into details on my following posts.  Antagal ko na rin namang hindi gumagawa ng series.

 I know this project won’t get me a Noble prize, lalo namang hindi ako magkakaron ng ginintuang hoola-hoop sa tuktuk ng ulo ko.  I just think, somehow, that this quote really matters:

 “Plant your own garden,
And decorate your own soul,
Instead of waiting [seeking] someone
To bring you flowers”
-------------Veronica Shoffstall, After A While

Hehehe, kaya for one year, I will do just that.  Mag garden ng self.  Sana after, I can find that guy who I can annoy for the rest of my life with.

Wish me luck!  =)


Blog EntryI Got Lost In Your EyesJan 24, '08 2:33 PM
for everyone

Sa lahat ng parte ng katawan ko, mata ang kinatatakutan kong mawala.  Kahit na mawala lahat ng parte, kahit na parang multo na ako na walang nagagawa sa mundo maliban sa tumingin… mag-obserba… manood, siguro kakayanin ko pa rin.  Basta patuloy akong makakita.

 

Pero maliban sa panonood, itinuro sa akin ng tatay ko na marami pang silbi ang mata.  Pag masyado na akong malikot, sasabihin nya lang na “Makuha ka sa tingin” para mapatino ako.  Magaling ang training nya, dahil pag di mo na gets ang I’m-warning-you-eyelook, yari ka.

 

Mula sa early lessons ng tatay ko, nasanay akong mag judge ng tao ayon sa mata nila.  Nalaman ko na pag straight ang isang guy, tatagos ang paningin nya sa akin.  Pero kung meron syang pusong mamon, makikita sa mata nya ang I’m-assessing-you eyelook.  Pag wala ang considering-look na yon, he is either straight or hindi ako type, which are very helpful to know to avoid embarrassing situations, hehehe.

 

Nalaman ko rin na hindi lahat ng tumatawa ay masaya, dahil mahirap itago ng mata ang kalungkutan.  Nakikita rin na hindi lahat ng nakangiti ay kaibigan mo, dahil parang makikita sa mata nila kung naiisip nilang me nanakawin ka pagtalikod nila.  Makikita rin kung sila ang merong itinatago.

 

Hindi ako particular sa kulay ng mata, kahit itim na itim na parang nakakalunod, o light brown na parang ang gaan tignan.  Sa umpisa lang din ako natutuwa sa colored contact lens, pero after a while, I want to see the real eyes.  Dahil para sa akin, hindi dapat tinatakpan ang bintana ng kaluluwa.

 

Sa lahat ng mata, ang pinakamasarap tignan ay ang mata ng taong nagmamahal.  In most ways its brighter… and calming.  At kung sa’yo nakatingin ang may ari ng matang yon, hindi mo alam kung ano ang ikinaiba mo sa lahat ng tao, pero mararamdaman mong espesyal, at safe, ka sa mata nya.

 

'Cause there's somethin' in the way

you look at me
It's as if my heart knows

you're the missing piece
You make me believe

that there's nothing

in this world I can't be
I never know what you see
But there's somethin' in the way

you look at me”

-------------Christian Bautista, The Way You Look at Me

 

O pa’no ba ‘yan, tapos ko ng gamitin ang mata ko sa pagsusulat, gagamitin ko pa to uli sa papanoorin kong porn.  Nyahaha.  Till next time na lang uli.

 

=)


MusicBulag, Pipi at BingiJan 22, '08 3:28 PM
for everyone
This song originally by Freddie Aguilar. Isa sa sikat na mang-aawit sa buong mundo (ang kantang "Anak" ay naisalin 26 na lenguahe at nakapagbenta ng 30milyong kopya), maraming makabuluhang kanta ang naisulat ni Ka Freddie tulad nito. Salamat kay Yeng Constantino at ni-revive nya to, i wanted something deep dahil para sa akin masakit sa tenga ang puro cheesy lovesongs at street songs (tulad ng "itaktak mo" o "papaya").


-----------
Madilim ang 'yong paligid, hating-gabing walang hanggan
Anyo at kulay ng mundo sa 'yo'y pinagkaitan
H'wag mabahala, kaibigan, isinilang ka mang ganyan
Isang bulag sa kamunduhan, ligtas ka sa kasalanan

CHORUS
'Di nalalayo sa 'yo ang tunay na mundo
Marami sa ami'y nabubuhay nang tulad mo
'Di makita, 'di madinig, minsa'y nauutal
Patungo sa hinahangad na buhay na banal

Ibigin mo mang umawit, hindi mo makuhang gawin
Sigaw ng puso't damdamin wala sa 'yong pumapansin
Sampung daliri, kaibigan, d'yan ka nila pakikinggan
Pipi ka man nang isinilang, dakila ka sa sinuman

[Repeat CHORUS]

Ano sa 'yo ang musika, sa 'yo ba'y mahalaga
Matahimik mong paligid, awitan ay 'di madinig
Mapalad ka, o kaibigan, napakaingay ng mundo
Sa isang binging katulad mo, walang daing, walang gulo

[Repeat CHORUS]

'Di makita, 'di madinig, minsa'y nauutal
Patungo sa hinahangad na buhay na banal
Bulag Pipi At Bingi  Yeng Constantino 

Blog EntryY Blog?Jan 22, '08 3:07 PM
for everyone

Ano bang meron sa Blogging? 

 

Bakit sa kalamigan ng madaling araw tulad ngayon ay inilalatag ko sa word processor ang isang piraso ng aking utak para ibahagi sa sinumang sinawimpalad na babasa ng sinulat ko?

 

Maraming rason, maliban sa pagbebenta ng mamahaling bags, gamot na pampaputi, mga cute na alagaing hayop o panandaliang aliw.  At mayroon pang mas makabuluhang blog kesa pagsagot ng sari-saring personal survey.

 

To Feel

Sumusulat ng blog para magpa-impress sa mga mambabasa na kaya kong magtipon ng basura at sa kada 100 na reader, may tsansa na may 1 magkokomento ng paghanga.  Sa papuri na yon, parang bata akong maadik sa kendi at muling magsusulat ng panibago. 

 

Write -> receive comment -> feel good -> write again.

 

Paminsan minsan, tuwing magkukulay bughaw ang buwan at mag-aalign ang mga planeta, may isang taong gugustuhing makilala sa personal ang writer ng isang blog, at sa mas rare na pagkakataon, isang super sexy at uber hot na chick/rooster ang makakadate ko. 

 

Dito ako magsisimulang magkakaroon ng sariling buhay at madalang ng makakapagblog.  Saka lilipas ang matamis (o mapait) na karanasan, magpapahinga sa totoong mundo, magbabakasyon sa cyberspace upang isaad ang karanasan para sa iba.

 

And that’s another purpose of blogging –

 

To Share.

Sa iba ay quotes, sa iba ay jokes, sa iba ay larawan ng kinababaliwan nilang pornstar.  May nagbabahagi ng sariling karanasan, mayroong nagkukwento ng karanasan ng iba.  Meron din namang mag-aari ng gawa ng iba.  Orihinal man o imitasyon, maganda man o negatibo ang layunin, ang resulta pa rin ay ang makapagbahagi. 

 

Anong paki ko kung hindi ikaw ang sumulat ng joke, o kaya nagcompose ng essay.  So what din kung ni-repost mo ang blog ko at sinabi mong gawa mo (papakulam na lang kita, hehehe).  Basta alam ko, nag enjoy akong basahin ang blog, na nakaibsan ng konti ang paghihirap sa mundo.  O kaya nakapagturo ng isang bagay na makakatulong sa hinaharap.

 

“Our lives are connected

by a thousand invisible threads,

and along these sympathetic fibers,

our actions run as causes

and return to us as results."

------------- Herman Melville

 

To Grow

Sa mga pagpapalakas ng loob at papuri (kritisismo), sa pagtanggap at pagbahagi ng karanasan, umuunlad ako bilang manunulatbilang Miko. 

 

Maraming parte sa akin ang nalilinang (kahit puro porno ang ina-upload ng iba jan, hehehe), at ang buhay ko ay nagiging makulay (hindi lang dahil sa sabaw ng gulay.  Hala, kakorni.  Hahaha). 

 

 

Bilang pagtatapos, ang blog na to ay pasasalamat.  Sa mga nagpadala ng mensahe na nami-miss nila ang writings ko (dahil paborito nilang okrayin) at kahit sa mga lurkers na pasilip-silip lang (hoy, magkoment naman kayo, hehehe, even a stumbling speech may strengthen a weak tongue, mga banat.  Hahaha). 

 

Kayo, bakit kayo nagblo-blog?


Blog EntryHubad na KatotohananOct 21, '07 7:34 AM
for everyone

Hubad na Katotohanan by Friko

Mahilg sumagot ng tanong si sensei miko, at pag d nya alam ang sagot, mahilg xang mag-imbento. Hihihi. Hindi xa nagmamarunong, sinusubukan nya lang makapagbigay ng paunang lunas, hangga’t hindi pa nasa2got ang katanungan ng namomroblema. Baet nya po di ba?

Tinanong q xa minsan bakit ko2nti lang ang kanyang damit (7 panggala na t-shirt, 3 polo, 1 gray short, 1 pantalong maong, 4 na sleeveless na pangbahay, at boxers and briefs na).

sav nya, ayaw nya raw gastusan ang ganong bagay. Mas mahalaga daw para sa kanya ang bumili ng experience. Makapunta sa mga lugar na di pa nya nararating, at makaranas ng mga ka2ibang karanasan. Tin-ejer pa kasi xa nun ng magsimulang maglayag sa iba’t-ibang parte ng pilipinas, at early 20s ng lumabas xa ng bansa. Kakainggit di ba? Hihihi.

Sav ko kay sensie miko, ibili nya rin aq ng damit. Kasi magpapasko na, nara2mdaman ko na ang lamig. Sabi nya, pano daw nangyari un, eh tela lang naman ang balat q, at bulak lang ang loob.

Sabi pa nya, bakit daw kailangan pa ng damit, hindi naman daw pangit ang itatago nito. Hihihi. Di ko alam kung papano napagsasabay ni sensie ang pambobola at pagtanggi, pero kadalasan, effective xa. Hihihi.

Sav ko naman po, "bakit ikaw sensie, nagdadamit? Pantakip ba yan ng pangit na parte ng katawan mo?" sabi naman nya, inde daw, iniiwasan nya lang daw ang maraming mahuhumaling sa katawan nya. Hihihi. Ang lakas lumusot ni sensie di ba?

Kya bottomline, nakahubad na naman ako malamang buong taon. Sana may magregalo sa kin sa pasko. Hihihi.

Si friko ay balbon at kulay brown na stufftoy. Meron syang kaduda-duda at masidhing paghanga sa puppet na pagong na lumalabas sa commercial ng Bibo Hotdog. Masikreto si friko sa mga crushes nya, pero hindi xa makalusot sa mapanuring mata ng kanyang amo, lalo na pagnapapangiti sya sa mga patalastas.


Blog EntryKwentong Stuff ToyOct 21, '07 7:02 AM
for everyone

Kwentong Stufftoy by Friko

Hi blog.

Kuya Miko Made the First Move

Aq po si friko, ang stuff2y ni kuya miko (pro stuffriend ang twag nya sa kin, kc hndi nya daw me laruan). Baet nya po di ba?

Kgav, 4 d 1st time, kinausap aq ni kuya miko. Bale nagla2ba po xa nun, tapos kinuha nya aq sa sulok at pinaliguan. Habang sinasabon nya po ako (naka2liti, hihihi), kinausap nya aq. Ka2tuwa po d ba?

Mag-1 po kc c kua miko sa haus nya, tapos sav nya, hndi nman daw mukang baliw si marimar pag kinakausap si polgoso, kya ok nman daw n kausapin nya ko, wla kc xang ibang kausap, hihihi.

Mga Pangarap

Hbang nagsuswimming ako sa fabrc sofner (ang bango, hihihi) tinanong aq ni kuya miko kung ano pangarap q. Sav nya, nung grade 1 daw xa, gus2 nyang maging balyena, kso nadisapoint daw xa nung malaman nyang wlang awang pinagsa2mantalahan n2 ang mga hipon.

Gus2 qng mging writer, sav q ky kua miko.

"malaki ang pagka2-iba

ng gustong maging writer

sa gus2ng magsulat.

Maraming authors,

pro konti ang nakalikha

at nakapagbahagi

ng orig na composition nila"

-------------Kuya Miko, about writing

Kya po sinimulan ko muna magblog, hndi pra mging writer, kundi maibahagi po ang kwentong stufftoy.

Ano Ang Isusulat?

May msya at malungkot sa buhay ng isang stufftoy. Ang palagian wlang damit, ang hndi regular na paligo, ang mababad sa luha ng may-ari (pro hindi iyakin si kuya miko, hihihi, ung dating amo q ang lging umiiyak).

Payo sa kin ni sensei miko na dalasan qng magbahagi ng sulating nakakaaliw. Marami na raw po kasing kaasiman sa tunay na mundo, at marami din daw "rants" sa internet. Mas kaaya-aya daw magpangiti kesa magpasimangot, makpagbigay ng inspirasyon kesa makahawa ng "intolerance, cynicism, at discrimination". Hihihi. Naka2tuwa si sensei miko di ba?

P’noy Ako!

Tinanong q kay sensei miko kung anong salita ang gagamitin qng pagsulat. Sabi nya, bhala daw aq, pero xa, kadalasan, Filipino. Mahirap daw magsulat ng pinoy (dahil hindi daw xa sanay magtagalog, hihihi, makulit magyabang si sensei miko di ba?), at hindi daw globally competi2v (kya konti ang hits). Pro tulad daw ng hilig nya sa Old Latin, ayaw nya daw ma2tay ang salitang p’noy, kya laging pinipilit nyang maglikha ng sulating tagalog.

Made in China ako. Pero pinoy ang nagpalaki sa akin. Taglish magsalita ang dati kong amo, pero si sensei miko, bumabanat paminsan-minsan ng niponggo, servo-croatian, latin, Hebrew, Spanish at mandarin. Hihihi. Pro phrases (kdalasan translation lng ng "hi", "I love you", "how much" at "thank you") lng alam nya, hihihi. Samu’t-sari ang kinukutingting nya di ba?

Kya un po. Tagalog po ang gagamitin kong salita. Sana po, basahin nyo paminsan minsan ang blog ko, at retuhan nyo ko ng cute na stuffriend nyo. Hihihi. Gusto q po ung balbon at abuhin. Hihihi. Parang si sensie miko lng di ba?

Hanggang sa muli! Paalam!

Friko.

Si friko ay isang stufftoy na leon. Kabilang sa mga naging trabaho nya sa past life nya ay Duwag na Bodyguard ni Dorety, at Loverboi ni Ragedy Anne. Sa ngaun, gumagawa sya ng blog pagtulog ang kanyang amo at kung wala itong bisita.


Blog EntryBest Advice from Jack and PoyAug 14, '07 4:43 PM
for everyone

Hindi ko talaga personal na kakilala si Jack, o kaya si Poy, pero marami akong natutunan sa kanila. 

 

Dahil sa giyera nung panahon ng hapon, nakarating si Jack en Poi sa ‘pinas.  Janken ang original na pangalan nito, at minsan, tinatawag din Janken Pon.  Ito ay base sa naunang dalawang Ken games – San Sukumi Ken ng Japan at Suu Ken (shoushiling) ng China.  Naimbento ito bandang 19th century.

 

“Janken Pon

acchi muite hoi”

-------------Janken Original Chant

 

Hindi ko alam kung paano naging Jack en Poy ang Jaken Pon, at kung bakit ang talo ay unggoy, pero maraming bagay akong nalaman.

 

Nalaman ko na sa halip ng mahaba at walang kwentang argumento, maari din namang pagdesisyon ang pagtatalo sa pamamagitan ng Jaken Pon.  Gusto nya comedy, gusto ko horror = Jacken Pon.  Gusto nya malling, gusto ko camping = Jacken Pon.  Gusto nya sya ang top, gusto ko ako ang top = ako ang top, its nonnegotiable.  Hehehe.

 

Nalaman ko rin hindi all the time, you need to cut, or break, or cover-up.  Pipilitin ka ng Jaken Pon na maging flexible, dahil kung hindi, sigurado ang pagkatalo mo.

 

“If the only tool you have is a hammer,

You tend to treat everything as a nail”

-------------Abraham Maslow, Miko’s Collected Quotes

 

Nalaman ko na sa larong ito, kailangan mo ng swerte, kaalaman sa personalidad ng kalaban mo, at tiwala sa intuition mo.

 

At higit sa lahat, nalaman ko maging masaya, tumawa, mag-enjoy – manalo man o matalo.  At nalaman ko to try again, and again.

 

Pero may mga tao pa ring makikipagtalo ng walang katapusan para sa pipitsuging bagay na gusto nila.  May mga umiibig sa iisang uri ng tao, at magtataka kung bakit laging parehas ang kinahihinatnan ng relasyon nila.  May mga tao ng matalo ay umiyak, at may mga huminto ng sumubok at may mga tao na hindi na naglaro muli.

 

Itinuturo talaga ng Jaken Pon, na sa laro ng buhay, ang matalo ay unggoy.  Sana maglaro tayong lahat.  =)


Blog EntryThe Storm and the WavesJul 13, '07 7:10 AM
for everyone
Rain always call me outside the house, and bathing in it, I called out my friend. Wet, we went to the store and bought a bottle of Cali Shandy each. I asked my friend to come with me to the beach.

The storm made the waves much
bigger, something that we only see in other countries. It was brownish red with dirt mix in it, and totally fearsome.

My friend was freaking out when I sat on the breakwater. I let the wave clashed to me. Out balanced, I earned a few bruises, and lost one slipper. But I wanna do it again.

“Gago ka Miko, baka may lumulutang na bote dyan,” my friend cautioned me.

I smiled at him, and heed his advice. I walked in the nearby house where the waves still reach the yard. I stood at the back of the gate, held the railings, and braced myself for another
huge clash.

I looked at my friend, standing safely nearby, and I grinned, “
Try it.”

Encouraged, he stood beside me. And with me, we
screamed together for another blast.

And this time, I kept my eyes open, and look to my friend beside me. Around me was the brownish red water and bubbles abound. My friend’s eyes tightly shut, our whole body shivering, and after that wave, he looked at me, smiled, “
Thank you

I said, smiling, “Shut up, here comes another one.

--------------

I went home that day, with my white shirt hued to brownish red, with a few bruises, with one missing slipper,

but most of all, with my friend’s grateful smile permanently etched in my memory.




Blog EntryAnatomy of a Suicide LetterJul 11, '07 4:49 AM
for everyone
Finaly, last part na to ng suicide theme ko for this month. Para sa hindi nakakaalam, check Part 1 and Part 2. Sa post na ito natin idi-discuss kung papano gumawa ng suicide letter. Kaya, read on!

Effective Writing and Suicide Letter
By: Dr. Miko Legaspi, PhD
Professor of Advance Literature and Salesman of Slightly-used Burial Gowns and Barongs

Now, convince ka na na magpapatiwakal ka (reasons) at nakapagplano ka na rin ng magandang method. Pero bago mo ituloy ang plano mo, kailangan mo munang gumawa ng Spectacular Suicide Letter.

Hahatiin natin ito sa dalawang part, ang content at presentation.

Presentation
Maari mong ipahayag ang saloobin mo sa maraming paraan. Ang makabago ay ang Death Video. Ang classic ay suicide letter.

Creative naman (pero ngaun masyado nang common) ang pagsusulat sa mirror, bathroom wall gamit ang sariling dugo. Effective ito dahil shocking (at gruesome, eeww) kaso, sabon at konting scrub lang, mabubura na ang makabagbag-damdaming saloobin mo. We need something that will remain for quite a long time.

Death video works fine, kaso mas matagal ang production kung ie-edit mo pa at lalagyan ng sounds and kick-ass
graphics. Pero biglang sikat ka dito lalo na kung malalagay mo sa Youtube.

So if you wanna go traditional, back to basic tayo sa letter. Maari kang gumamit ng colorful, flowery at scented paper with matching metallic glittering ink pen, kaso it terribly ruins the mood. Mas effective ang parchment or handmade papers. At kung may background ka sa calligraphy, use a fountain pen. Pwede mo ring sunugin ang gilid ng papel for a nice effect.

Content
Gawin mong maikli ang sulat mo. Dahil kung lalampas ng
3 pages ang suicide letter, maaring umupo pa sa gilid ng kama ang babasa, kumuha ng merienda, magkamot ng singit at pahikab-hikab na tapusin ang sinulat mo. You don’t want that to happen, do you? Kailangan pagkabasa nya, isang minuto lang, sisigaw na sya ng “Hinddeee!!!” Sabay papalahaw ng iyak.

Sample:
“Goodbye Philippines, Goodbye boring world!”

Generally, ilalabas mo lahat ng gripes at bitterness mo sa suicide letter. This is your chance na manisi at mangonsensya. Kaso, ang mang-away sa huling sulat mo isn’t going to win you friends and influence people. Palayain mo na ang mga friends at family mo sa guilt na sila naman talaga ang may kasalanan. Ang effective na paraan para gawin yan ay manisi ng iba, at the same time, makacontribute sa kapakanan ng sangkatauhan.

Sample:
“Goodbye Philippines, the shampoo commercial ‘ang lambot’ felt I was being mocked to death, so I choose to kill myself instead”

Sa paraan sa taas, maaari mong maipatigil ang pagpapalabas ng nakakainis na commercial. Other suggestion includes Barney and Friends o kaya a Miracle Crusade ng isang televangelist.

Dapat mo ring panatilihin ang humor at mystery. Hindi porke’t magsu-suicide ka na ay may karapatan ka nang maging boring at madrama.

Sample:
“Hi guys, I will just hang out in my room, literally, hahaha. Lolz”
Or
“Nagsuicide ako, di pa nila makita ang katawan ko, nasa ilalim yata ng kama mo. Hahaha.”

Yan, I hope I gave you enough ideas.

If you wish an easy way, magdownload ka ng Microsoft Word Suicide Wizard. It works like this:
Funny Pictures

O kaya, magcomment ka ng suicide note mo here in my site for my review and suggested revisions.

Till next time.

=)




Blog EntryIdiots Guide on SuicideJul 3, '07 1:46 AM
for everyone
Sa previous blog ko, sinubukan nating sagutin ang mga posibleng dahilan kung bakit maganda ang ideyang pagpapakamatay. Kung nakapagdesisyon kang sapat na ang dahilan mo, read on!

Suicide For Dummies
By: Dr. Miko Legaspi, PhD
ProSuicide Activist and Dealer of Rent-to-Own Coffins

Matapos madetermine ang motive (see my previous blog :Click), atin ngayong pag-uusapan ang magandang method.

Tulad ng ibang arts, may mga elements ang Suicide. Ito ay ang mga sumusunod –

Reasonable
Dapat mayroong malinaw na dahilan kung bakit ka nagsuicide tulad ng namatayan ng
tuta, nanakawan ng lunch box, pinalo ni nanay. Pag walang malinaw na dahilan, maaring may ibang mapag-bintangan sa pagpanaw mo.

Suggestion: Ang classic/traditional way ay ang suicide letter (to be featured on my next blog). Ang uso ngaun ay
suicide video kung saan magpapaalam ka sa mga iiwan mo, with background music. Malaki ang commercial impact nito lalo na kung maiipelikula ang buhay mo.

Accomplishment
Dapat siguraduhing natugnas ka sa paraang pinili mo. Dahil kung hindi ka matetepok, hindi yun suicide kung hindi isa lamang suicide attempt, tulad na ang inahing baboy ay hindi ganap na litson.

Isa sa mga effective na paraan para masiguro ang success ng suicide attempt ay ang di pagpapa-obvious. Kung namumugto ang mata mo, sumisigaw ka ng “wwaahhh Life Sucks!!!” at papasok ka ng kwarto ng may dalang isang box ng sleeping pills, most likely mapipigilan ka ng mga nagpapakabayani at pakailamerong kakilala.

Suggestion: Bumili ng sleeping pills. Pumunta sa beach. Lumaklak ng sleeping pills. Mag-sunbathe. Habang nakahiga ka sa buhangin, walang mag-iisip na pigilan ka sa pagpapatiwakal mo. At bonus pa ang healthy-looking tan. =)

Suspense
Ang element ng suspense ay depende sa personality ng magsu-suicide. May mga gusto ng quick and painless. Meron din naman na ang gusto ay dahan-dahan, kung saan kumpleto mong mapapanood ang flashback ng buhay mo, makikita mo na some parts pala ay worth living, at maaari ka pang magback-out.

Suggestion: Magsabit ng tali sa leeg. Tumuntong sa seesaw. Ang nasa kabila ng seesaw ay bloke ng yelo na mas mabigat sayo. Exciting na habang natutunaw ang yelo, nalalapit ang iyong pagpanaw. Alternative, humiga sa sahig, magsabit ng kutsilyo sa kisame, itali ang kabilang dulo at lagyan ng kandila (kaso masyado ng gamit ang technique na to, ang korni pa).

After-effects
Siguraduhing hindi ka magmumukang katawa-tawa o katakot-takot sa burol mo. Tandaan, patay ka, hindi ka nagmumulto. Dapat mukhang natutulog lang. Siguradong maraming usisera at mapanuring mga mata ang sisilip sa kabaong mo. Better make sure you will start a make-up/fashion trend, at hindi isang disaster.

Suggestion: Make it imperative na ma-cremate kaagad ang body sa umpisa palang. Balutin mo ng bomba ang katawan mo, pumunta kasa sa casino, at makipaglaro ka sa mga corrupt na politicians. Pag natalo ka,
ka-boom! Pag-nanalo ka, hehehe, you might change your mind.


-------------

Marami pa sana ang element ng suicide. Pero magmumuka ng libro ito at hindi isang blog post.

Ano, inspired na ba kayo?

By the way, may kaibigan akong nagbi-breed ng pitbulls. Naghahanap sya ng buhay na taong pagprapraktisan ng mga aso nya. Baka interested yung iba dyan.

=)




Blog EntryFireflies IIJun 21, '07 1:25 AM
for everyone
No electricity. No tv. Only rented comics were the form of entertainment, which I just browsed the drawing coz I couldn’t read. I was four back then.

We were living in a small wooden hut midway to the mountains, where the sound of tuko and kuligkig blends with my father’s strumming of his old guitar. Me and my brother sang along, unafraid that a snake might be just around the corner. We believe mama and papa will protect us.

That night, I went out of the house. Summer breeze is much colder near the trees.

Then, I saw a blink. Golden. Inviting.

A firefly. I chased. My little limbs trying to catch up, till the roots of a mango tree tripped me. With a scraped knee, my eyes welled with tears. I was going to scream from pain, cry to my mama for comfort.

But when I looked above, I saw the night sky filled with stars, dominant without the intruding city lights. And just right above me, stars are closer.

I’m surrounded with fireflies. Dozens of them. Swirling and blinking. My mouth opened in wonder. My mama was still in the house, but in my pain, the world comforted me.

Twenty years later, that experience always brings me close to tears. That I would trade all the complexities of my adulthood to bring back that innocence, that sense of wonder. I miss the soaring, comforting feeling.

The inner peace and contentment… that simple fireflies can make me happy.




Blog EntryHelp! Dwindling ResourcesJun 5, '07 11:38 PM
for everyone
PROBLEM

May problema ako.
Money. Dinero. Pera.
Don’t worry, hindi ko kau uutangan
Pero tatanggap ako ng donasyon
Hehehe

Magde-debut ang little sister ko sa June 30, sa province, and my family is kinda tight sa ngaun. Both my father and brother are seafarers, pero end of june pa ang embarkation nila, kaya wala pa silang pera.

Which means, I’m in charge sa funds. At inaasahan kong sa pinagsamasamang utak ng mga readers ng blog ko, makakapulot ako ng maganda at workable na idea to make my sister’s debut memorable at affordable.

FUNDRAISING


I hate owning a debt. Pag may utang ka, parang may power over you ang pinagkakautangan mo, at hanggat hindi ako nakakabayad, parang nakatali ako. Meron ding level ng immunity ang mga pinagkakautangan, parang hindi mo sila pwedeng kantyawan (na hilig ko naming gawin) o kya pilipitin ang kamay pag tinotopak ka (no touch policy).

Kaya gusto ko, equivalent exchage. Kung may makukuha akong pera, I want it paid by my service right there and then. So preferably, I want to raise funds by giving my services (serbisyong totoo), or selling something:

Aahhhh,
bili bili bili,
dibidi dibidi,
bold bold bold
-------------Isang vendor sa Quiapo


BRAINSTORM


Sa mga hindi pamilyar sa brainstorming, hindi po ito bagyo ng cerebrum, pituary glands, medulla oblongata, at kung ano-ano pang parte ng utak. Ang brainstorming e technique na pinasikat ni kumpareng Alex Osborn nung 1930s. Basta banat lang ng banat sa suggestion. Pwedeng iimprove ang idea, pero bawal i-critic. Iniisip nya, sa 1,000 garbage, at least baka may isang gem, o kaya mga bagay na pwedeng ma-recycle para makatulong. Hehehe.

So, tulungan nyo naman ako. Suggest or build/improve upon may ideas:

Hati sa dalawa ang iniisip ko. Raising Funds (kung papano ako makakapag-ipon ng pera) and Minimizing Cost (kung papano ako makakatipid pero makakapagbigay ng magandang debut sa kapatid ko).

RESULT SO FAR


Raising Funds

-Magsideline ng pictorial (sino gusto magpakuha?)
-magtutor ng Photoshop
-magtutor sa mga elementary/high school ng basic subject
-magbenta ng laman (per kilo) nyahahaha
-mag retail ng gluta at olay products (meron ako talagang mabebenta nito, mura lang), pati sa Avon at Natasha (joke lang tong huling 2, hehehe)
-isangla ang digicam ko (huhuhu, no way)
-gumawa ng papers ng mga estudyante (kaso pasukan pa lang, wala pa silang term papers)
-ibenta ang mga libro ko (nnnnoooo!!! Ito talaga di pwede)


Minimizing Cost
-wag ng magrent ng place, sa bakuran na lang (I’m considering it greatly)
-ako na ang gagawa ng invitation (at ditto ko na ipi-print sa office, nyeyeye with evil laugh)
-ipaticket ko kya ang debut para mabawi ang gastos (nyahahaha, kinuwartahan pa ang mga bisita, hahah)
-i will cover the video and photo, kaya hindi na magrerent
-ay anak ng pating, ako nga pala ang emcee, pano ko kukuha ng video/photo
-ipatawag ang lahat ng barkada ko para sa arrangement ng place. Merienda lang sa mga yun, talo-talo na. =)


YOUR TURN


Sa mga kaibigan, fans, detractors, lurkers at kung sino sino pang bumibisita sa munti kong site, paulanan nyo ko ng idea, wwaaahhhh!!!!




Blog EntryFamous Last WordsMay 23, '07 9:50 PM
for everyone
Bilang isang mikologist, madalas kong paglaruan ang idea ng kamatayan, lalo na habang wala akong ginagawa dito sa office kundi mag-surf, mag-chat, mag-tablehop etc. Even planning my wake/funeral is a favorite hobby (Click this blog==> "Patay Tayo Dyan").

Pero kahapon ko lang napag-isip isip, ano ang dapat na maging famous last words ko. Ang pangit naman kasi kung ang bibitawan kong huling salita, walang kwenta. Anong iiwan ko thought-provoking words of wisdom sa mga kamag-anak, kaibigan, kaaway, fans, at sa susunod na salin-lahi?

Pagnaghihingalo na ko, kailangan maintain ang pride at composure. Dapat prepared at memorized ko na ang famous last word ko, di tulad nito:

"Don't end it like this. Tell them I said something."
-------------Francisco "Pancho" Villa, Mexican Revolutionist
.

Yun ang mga taong hindi prepared kaya nagka-cramming. Meron namang tipid ang last words, talagang isang word lang ang iniwan nya (pero sobra namang inspiring)

"FFFRRREEEDDDOOOMMM!!!"
-------------William "Braveheart" Wallace, Scotish Revolutionist


Bukod sa maganda at thought provoking epitaph, dapat original din. I'm a proud Filipino, pero aminado naman akong marami sa 'tin ang nanggagaya lang (siguro sobrang idol nya ang nagsabi ng famous last word na yon) tulad nito:

"Consummatum est (It is finished)"
-------------José Rizal, Filipino Nationalist


Ayoko din naman na sobrang pormal:

"I believe we should adjourn this meeting to another place."
------Adam Smith, Political Economist


Para makabuo ng magandang last words, nagbrainstorm ako, depende sa characteristics ko, kung nadamay ako sa katangahan ng iba, o sa isang kakaibang sitwasyon:

"Wwaahh, sabi ng bawal silang gisingin pag nagha-hibernate"
-------------Miko in the wildlife together with a stupid friend
"Sigurado ba kayong red wire ang puputulin"
-------------Miko following the advice of an imcompetent bomb squad
"Sige, payag akong kalabanin ka ng hand to hand combat, Mr. Bond"
-------------Miko on how he defeated a spy with the cost of his own life
"Lahat ba talaga ng miembro ng clan nyo pangit?"
-------------Miko na nalasing sa isang grand eyeball
"Wow, talaga bang lahat ng terrorist ay may relo sa sinturon"
-------------Miko lulan ng isang bus na puno ng goverment officials
"Sorry, akala ko nasa business trip ka"
-------------Miko na nahuli =P


Hayz, nakakapagod din pala. Mas maganda siguro isawasan ko na lang na magsabi ng mga nonsense na bagay, para any moment, i can be proud of my last words. Its something that my friend Death always reminds us.

"Last words are for fools who haven't said enough".
-------Karl Marx, Political Economist


Kayo? Ano sa palagay nyo ang magiging famous last words nyo?





Blog EntryOn Pleasure.Oct 6, '06 12:16 AM
for everyone
"God's your prankster, my boy.  Think of it. He gives man instincts. He gives you this extraordinary gift and then, I swear to you -- for his own amusement -- his own private, cosmic gag reel -- he sets the rules in opposition. It's the goof of all time. Look but don't touch. Touch but don't taste.  Taste but don't swallow. And while you're jumping from one foot to the other he's laughing his sick fucking ass off! He's a tight-ass. He's a sadist. He's an absentee landlord!
Worship that? Never."
-------------Milton, Devil's Advocate




© 2008 Multiply, Inc.    About · Blog · Terms · Privacy · Corp Info · Contact Us · Help

Template design - Copyright © 2005 Sam Royama All rights reserved.