Kwentong Miko and General Nonsense

Miko's posts with tag: trivia

What are tags? You can give your posts a "tag", which is like a keyword. Tags help you find content which has something in common. You can assign as many tags as you wish to each post.
View posts by people in your network with tag trivia
Blog Entry1st Dating AnniversaryMar 2, '08 3:52 AM
for everyone

Kagabi, ipinagdiwang namin ng Shawko ang aming First Dating Anniversary! 

 WHAATT!!

Sa panahon ngaun, sa planeta natin, san ka makakarinig(basa) tungkol sa dalawang taong umabot ng isang taon na pagde-date?  Well, if interested ka sa version ng reality ko, read on.

-------------
Ano ba ang Meaning ng Date?
Trivia muna

Ang unang recording ng salitang date ay nung 1330 bilang old French word, na galing sa salitang latin na Datus, meaning “given” na kaparehas ng (1)Old Sanskrit na dadati, Old Church Slavonic dati  “gives”; (2) Old Persian dadatuv “let him give; (3) Old Greek didomi/didonai “to give, offer”; Pinoy dododo/dadada uh-huh-ha ni Willie Revillame ay walang kinalalaman dito, pero seryoso, malamang ang tagalog na salitang dati meaning “noon” ay may kaugnayan.

Nung panahon ng Roman, nakagawiang lagyan ng “Datus” at dugtungan ng araw at buwan ang isang mensahe, nangangahulugang “Binigay sa Araw na Ito:” or “Given on this Day”.  Nang lumaon, ang date ay naging term for “time (and place) stated”.  Ito ay nag-evolve pa bilang “appointment” hanggang unang maitala bilang “romantic liaison” noong 1885.

Karaniwang ginagamit ng mga artistang “couple” sa ‘pinas ang “we’re just dating” status para sabihin sa publiko hindi pa “sila”.  Kahit madalas makitang magkasama, ang dating status na ito ay magpapatuloy hanggang mabuntis ang babae at sila'y magpakasal.

-------------

Miko’s Meaning of Date

For the purpose of this blog, I will define “Dating” as “meeting and observing someone whom you’re figuring out of having a more lasting relationship with."

Ang meeting ay maraming purpose: gain new friends, collaborate on a project, have fun watching movie, etc.  Sometimes, it ends up in bed, pero I never assume na “mahal” na ako ng other party, or mahal ko sya. 

You learn
That kisses aren’t contracts,
And gifts aren’t promises
-------------Veronica Shawl, After A While 

Pero pag date, I’m meeting the person hoping that we would end up as partners.


-------------

Miko's Dating History (optional read)
D#1 Sally: c.1999 2 wks dating, more than a month IR (In a Relationship), break due my ignorance of love

D#2 RV: c.2000 1 wk dating, quit dahil may taning na ang buhay ng date

D#3 Lea: c.2000 1 month dating, quit/basted, papasok ako sa stay-in academy at magmamadre ang date

D#4 Aileen: c.2001 2 ½ year dating, 1 ½ year IR, engaged ½ year, wedding called off kasi narealize kong ayaw kong magkanak.

D#5 JR: c.2006 1 month dating, quit, incompatibility

D#6 JP: c.2006 2 wk dating, quit, incompatibility

D#7 Bunso: c.2006 1 month dating, basted, nalasing, nakitang nakikipaghalikan sa iba

D#8 Wacko: c.2006 1 ½ month dating, basted, nakitang walang short sa loob ng kwarto na may kasamang ibang tao, reconciled, after 2 weeks, basted uli, kasi na inlove sya sa bestfriend ko
 

D#9 Shaw: February 3, 2007 dated shaw, March 15, 2007 stopped dating due to breach of a promise, resumed dating until today…

 
Who knows when or how it will end.  But right now with our current set-up, we’re both happy… and content.

-------------

written Feb.3.8 / posted Mar.3.8


Blog EntryHistory of HelmetSep 15, '06 11:29 PM
for everyone

Isang kaibigan ang nagdudusa ngaun sa bigat ng kanyang problema. Dahil daw nagmomotor sya sa byahe papunta sa trabaho at pabalik sa bahay, nakakangalay daw sa leeg ang helmet. And since hindi lahat ay may kapasidad maunawaan ang kadahilan ng ulo ng kanyang pagdurusa, nagtanong sya kung para saan ba tong helmet.

Ito ang sagot ko, ayon sa masusing pananaliksik:


History of Helmet
Ang mga Assyrians at Persians nong unang panahon ang gumamit ng helmet.
gawa sa balat ng hayop at konting bakal ang komposisyon nito. nong panahon kasi na yon, uso pa ang pag-ulan ng pana mula sa karatig na bayan, at hindi sapat ang payong para sa kanila. At dahil sa fashion sense, nabawasan ng nabawasan ang leather at napalitan ng metal.

Maraming pinauso ang Romans na design ng helmet, merong panglegionaire, me panggladiator. Mayrong gawa sa tanso, sa pilak at
kahit ginto. Kung may basehan ang RPGs tulad ng final fantasy sa helmet na
gawa sa diyamante, perlas at kung ano pa, walang nakakasigurado.

then, nung sumikat ang japanese action series (bioman, maskman, fiveman etc.) nagkaron ng major improvements. mas nagmukang astig ang helmet, mas naging trendy. sa sobrang ganda ng helmet, ang mga japanese superheroes ay nagsusuot nito habang lumalaban, nagpopose for a group picture, at kahit nakasakay sa enclosed-hard-armored ultra-weapon-powered car, jet, submarine o kahit nasa loob ng sasakyang humuhukay sa lupa.

then naisip ng mga talent managers at show producers na magastos ang mga 5 men team superheroes. dahil kadalasan, bibigyan mo ang bawat isa ng kanya-kanyang sasakyan (na dapat pang magbuo ng isang malaking robot). so nagcost-cutting sila at ginawa si shaider, mask rider black, etc. at dahil soloist ang mga bagong hereos na to, motorbike na lang ang binigay sa kanila
.

nakarating din sa west ang mapormang style ng helmet. kahit na merong impenetrable magnetic force field, naghehelmet pa rin si Magneto. it really makes him look cool
!

siempre dahil nakikita sa tv, maraming taong gumaya. bumili rin sila ng helmet para magmukang astig, o para hindi makikilala pagbumili ng gulay for dinner. hindi kasi magandang sumakay sa motorbike tapos may bitbit kang basket na may patola, kamatis at talong.

nagsimulang pumasok ang helmet sa mainstream
product. tapos ginawa ng marketing department na iinclude ang bonus na safety factor para makumbinsi ang ayaw sumunod sa uso. nagboom ang helmet industry. naging "in" na ito sa masa,

then the world push for laws requiring every motorcyclist to wear helmet.

at dahil ang mga tao ay natural ding pasaway, merong mga anti-helmet group. pero justified naman ung reasons nila. dahil nga ang pangalawang purpose ng helmet is to conceal identity (ang una para magmukang astig), ginagamit na rin ng mga villains ang helmet katulad ng mga superheroes. Kaya sa Pagadian City, Philippines ipinatupad ni Mayor Samuel Co ang executive order #72 ukol sa Helmet Ban. Ayon kasi sa lokal na pagsusuri, ang mga snatcher, carnappers, kidnappers, dognappers, redsnappers, hired killers at kung ano-ano pang masamang elemento ng mundo ay nakahelmet when doing their evil deeds. tsk. hindi nila naisip na with great helmet comes great responsibility. Ngaun, pati ang karatig siyudad na Dipolog City ay pinag-iisipan na rin mag-join sa "Helmet Ban".

Sa ngaun, hindi pa rin tapos ang istorya ng helmet. Panahon na lang ang makakapagsabi kung ano ang kahihitnan nito, at ang magiging epekto nito sa pang-araw araw nating pamumuhay.


Attachment: Helmet evolution 1.jpg
Attachment: helmet evolution 2.jpg

Blog EntryPaalam, PlutoAug 29, '06 12:07 AM
for everyone
Nung isang lingo pa pala, pero kagabi ko lang nalaman, na-demote pala ang Pluto sa pagiging planeta.

Ayon daw sa bagong regulasyon, may tatlong requirements for one body to qualify as a planet:

1. kailangan na umiikot ito sa araw
2. kailangan sapat ang kanyang gravity para hatakin ang sarili at magmukang bilog.
3. at kailangan, solo nya ang orbit nya.


Dahil siguro natural na pasaway, (Pluto is the Roman God of the Underworld),
na-reclassify itong si Pluto ng pasukin nya ng espasyo ng Neptune, isang paglabag sa requirement #3. Sa twenty years out of 248 na rebolusyon, sinasapawan ng Pluto ang katabing Neptune at nagiging mas malapit sya sa Araw. Ito ang nagging dahilan kaya napagkasunduan ng International Astronomical Union (IAU) na tanggalin sya sa pagiging planeta.

Marami namang nagrereklamo sa pagkaka-kick out kay Pluto sa celestial brotherhood. Ilang textbooks daw ang ire-revise, ilang planetarium/space museum ang irerenovate, at ilang tour guides ang magbabago ng script, dahil ayon sa Pag-Asa, madadagdagan ng 15 minutes ang 30 minutes na tour para ikumpara ang classic at modern arrangement.

Bukod dito, mawawalan din ng isang member ang Sailor Soldiers, hindi ko lang alam kung gaano karami ang fans ni Sailor Pluto at ewan ko lang kung irerevise pa ni Naoko Tekeuchi ang series nya. Anyway, hindi na naman ako nanonood ng sailormoon simula ng pumasok ako sa academy, lolz (go Naruto!) Speaking of cartoons, hindi daw apektado ang franchise sa aso ni Mickey Mouse ayon sa Disney.

Pati ang mga Scorpio, kailangan na naman yata nilang magpalit ng ruling planet (dati share sila ng Aries sa planet Mars pero ipinaubaya na nila ito around 1950 matapos madiscover ang Pluto around 1930).

Para sa mga nalulungkot sa eviction ng Pluto, rest assured na magiging masaya sya sa bago niyang barkada. Bilang dwarf planet, kasama na niya ngaun sina Ceres, Xena at marami pang darating at papangalanang dwarf planet.

Paalam Pluto, sa munting pagsasama natin, sa pangarap ko na marating ka nung grade 3 ako, sa milyon milyon mong fans, at sa mga batang hindi na magkakabisa ng 9 na planeta... kaming lahat, mamimiss ka namin!





© 2008 Multiply, Inc.    About · Blog · Terms · Privacy · Corp Info · Contact Us · Help

Template design - Copyright © 2005 Sam Royama All rights reserved.