Miko's posts with tag: work

|  | Winged half-naked guys! commissioned work, hehehe. |
Link: http://www.worksofmiko.multiply.comSalamat sa maraming nagtiwala.
Parang kaylan lang, halos magmakaawa akong mangumbinsi na magpakuha sa akin ng pictures ang mga tao, ng libre. Wala naman akong (semi)permanenteng damage na gagawin (tulad ng mga barberong nakikipagtsismisan sa lovelife ni kris aquino habang gumugupit). Pinilit ko rin talagang mapaganda ang mga gawa ko.
Kaya dahan-dahan, may mga naawa, na-flattered, natakot at napapayag magpakuha ng pics. Kaya dahan-dahan, nagsimulang dumami ang laman ng "Clients" album ko.
Nung mga nakaraang araw, nakita ko na bawat modelo ay deserve ang sarili nyang album. Kaso naman, masasapawan nila ang personal site ko.
Kaya sa mga giliw kong tagasubaybay, i present to you my work (just click the link above).
They might not be the best, but i did put my passion into it. I hope everyone will take a visit and give comments.
Salamat sa lahat. =) 
09Sept06
Boss: You have passport? Miko: Yes, sir. Boss: Still valid? Miko: Yes, i think for another year or so. Boss: Ok, you go to Singapore on Monday. -------------Capt. Kono and I, conversations with boss
Ganon lang kasimple. Sa trabaho ko ngaun, para lang akong namamasyal. I packed my things (flipflops, a bob ong book, extra pair of socks, extra polo shirt) and I was off. Tinanong ako ng isang kasama ko kung saan ako pupunta. Sabi ko Singapore. Sabi nya "Nye, ilang araw ka don, bakit konti lang ang dala mo?"
I took the first flight going there, then took the last flight going back. Mas matagal pa yata ang paglalakad ko sa Quiapo para mamili ng hentai kesa ang inilagi ko sa "Lion City".
Anyway, Singapore is a Fine City. Pagdumura ka, there's a fine. Pagnagyosi ka, me fine. Pag-umihi ka sa pader, me fine. Kaya mula airport hanggang sa pinuntahan kong lugar, malinis, maaliwalas, at mapuno ang nakita ko.
Pag-uwi ko sa dito sa 'Pinas, hindi ko maiwasang hindi magkumpara. Marami naman akong nakikitang marka na mga multa dito, pero bakit marami pa ring pasaway. maraming nakatambak na basura kahit nakasulat sa pader ang salitang "Bawal Magtapon Dito" + "Multa: 1,000Piso" + "Kulong 15days" + "Nakamamatay".
Pero antigas pa rin ng mga ulo natin. May mga pader pa rin na isangdaang dipa pa ang layo mo, naamoy mo na ang panghi (na senyales din siguro sa iba na doon nga ay ihian).
napalayo na naman ang isip ko, wala na namang ending tong blog. lolz.
   
| |